Ask lang po
Paano po nagkakaroon ng breastmilk pag kapapanganak lang ?

Bakit parang walang nakukuhang gatas ang anak ko pagkalabas niya? - Paglabas ng bata, ang unang masususo niya sa nanay niya sa unang mga araw ay ang colostrum o kulay dilaw na gatas. Importanteng makuha ito ng bata dahil ito ang pinakamasustansyang gatas na nagtataglay ng antibodies na magbibigay ng immunity sa bata. - Asahang pagkatapos ng 3-4 days tsaka pa lang talaga lalabas ang gatas. - Malalamang may nakukuhang colostrum ang bata sa pamamagitan ng output tulad ng ihi at dumi. Paano dumami ang gatas ko? Ano'ng pwedeng kainin o inumin? - UNLILATCH • Pasusuhin lang ng pasusuhin ang bata para dumami ang gatas. Ang pagdami ng gatas ay nakabase sa law of supply and demand. Tingnan ang mga senyales na gutom na ang bata (look for hunger cues) at pasusuhin nang naaayon sa kagustuhan niya (feed on demand). Uminom din lagi ng tubig bago, habang, at pagkatapos sumuso ni baby para mapalitan ang fluid na nawawala sa'yo. Makakatulong din ang galactagogues tulad ng seafood, sabaw ng buko, malunggay, lactation treats, at iba pa.
Magbasa pa