Ask lang po
Paano po nagkakaroon ng breastmilk pag kapapanganak lang ?
Read nyo po ito mommy: Topic: PAANO MAGPALAKAS NG MILK SUPPLY? Oh eto, ayaw ko na ng formal na post about dito para mas maintindihan ng mga maamshies natin. π₯° πΌ Pagkapanganak mo, MAGPADEDE KA LANG NG MAGPADEDE. Ayun yung tinatawag natin ngayon na UNLILATCH. From the word, UNLI, alam mo na siguro yun. Applicable din yun sa breastfeeding, hindi lang sa kanin sa Mang Inasal. πΌ Yung ibang OB-Gyne, nagrereseta na ng mga lactation supplements kahit hindi pa nanganganak ang nanay. Just to make sure daw na may lalabas na milk after maipanganak si baby. PERO, ang talagang magpapalabas at magpaparami ng gatas mo ay ang SKIN-TO-SKIN at UNLILATCH. Kaya uulitin ko, magpadede ka lang ng magpadede. πΌ HINDI TOTOO na wala kang gatas pagkapanganak mo dahil lang sa wala kang nakikitang tumutulong gatas. Colostrum is superlagkit at hindi mo siya makikitang tutulo. Mga 2-3 days pa bago lumabas ang mature milk. OK? Karamihan kasi sa mga nakakausap ko, ang sinabi nila is 'wala silang gatas' kaya nabigyan nila ng formula si baby. Pero meron ka talagang gatas. Kahit isang patak lang ang lumabas sa boobs mo, that means MERON pa rin. Magkaiba ang kahulugan ng KAUNTI sa WALA. πΌ Uminom ka ng maraming tubig. Kumain ng masusustansiyang pagkain at maraming kanin π Kumain ka ng papaya, malunggay, masasabaw na pagkain. Huwag ka munang magdiet at maconscious sa figure mo. Unahin muna ang anak. Ok? πΌ After 6 weeks, you can start pumping. Pero kung working mom ka and needs to build your milk stash, you can start pumping ng mas maaga. Pump every 4 hours, round the clock. Saan ka man mapunta, pump pa rin. NO EXCUSES. Gusto mo ng maraming gatas, aba e, tiyagain mo. Maraming nanay ang todo effort sa pagpapump at naging successful naman. Kaya ikaw, go na! Kaya mo rin yun! ππͺπ» πΌ Pwede kang magtake ng mga lactation aids or supplements. Hanapin mo yung mahihiyang ka at makikita mong effective sa iyo. Magastos, oo. Pero para sa anak mo naman iyon diba? Kaya mo ngang magparebond at magpakulay ng buhok e. πΌ MANAGE STRESS. Yes, I used the term manage because we CANNOT AVOID STRESS. Nandyan na yan e. It's up to you kung paano mo gagawan ng paraan. Too much stress, tiredness, and not enough sleep may affect your supply. Kaya girl, hinay-hinay lang tayo. Kapag pagod, MAGPAHINGA. Promise, malaki ang tulong ng malusog na isip at pangangatawan sa supply natin. Always remember these: REMOVE MILK TO MAKE MORE MILK. MORE DEMAND, MORE SUPPLY. NURSE FREQUENTLY. PUMP REGULARLY. β₯οΈ #Breastfeeding #BreastfeedingJourney #PadedeMaamPH CTTO
Magbasa paBakit parang walang nakukuhang gatas ang anak ko pagkalabas niya? - Paglabas ng bata, ang unang masususo niya sa nanay niya sa unang mga araw ay ang colostrum o kulay dilaw na gatas. Importanteng makuha ito ng bata dahil ito ang pinakamasustansyang gatas na nagtataglay ng antibodies na magbibigay ng immunity sa bata. - Asahang pagkatapos ng 3-4 days tsaka pa lang talaga lalabas ang gatas. - Malalamang may nakukuhang colostrum ang bata sa pamamagitan ng output tulad ng ihi at dumi. Paano dumami ang gatas ko? Ano'ng pwedeng kainin o inumin? - UNLILATCH β’ Pasusuhin lang ng pasusuhin ang bata para dumami ang gatas. Ang pagdami ng gatas ay nakabase sa law of supply and demand. Tingnan ang mga senyales na gutom na ang bata (look for hunger cues) at pasusuhin nang naaayon sa kagustuhan niya (feed on demand). Uminom din lagi ng tubig bago, habang, at pagkatapos sumuso ni baby para mapalitan ang fluid na nawawala sa'yo. Makakatulong din ang galactagogues tulad ng seafood, sabaw ng buko, malunggay, lactation treats, at iba pa.
Magbasa pasa una mahina palang asi konti palang need ni baby kasi maliit pa sikmura nila. mag mΓ²re on water ka po at sabaw sa ulam. Papayang green at malunggay super effective sakin.
Ipalatch mo agad sayo si baby para makuha nya ung colostrum at maistimulate breasts mo na magproduce ng milk.
Ipa-latch mo mommy si baby. Lalabas din yan. π
loving a cheerleader boy