Paano po malalaman kung pipe po ang baby?
Yung lo ko po kasi di sya gaano umiiyak. Umiiyak man pero di tulad ng ibang baby na nakakarindi yung iyak. Yung ibang kasabayan nya po kasi sa hospital kung makaiyak mga baby dun parang inaapi 😂 pero siya hindi. Ang daling patahanin
umiiyak naman po siya kapag gutom na gutom na siya tas dimo pinadede. Or kapag binabakunahan sya o kapag may masakit sa kanya ganun.
Sabe kasi ng papa nya baka daw pipi sya or di lang talaga siya iyakin. Sino po katulad ko dito?