9 Replies

Ganto gawin mo mamsh. Start ng araw nyo dapat 6am. Ilalabas mo na sya nun kahit 30mins lang paarawan mo. Tapos laruin mo sya hangga't makikipaglaro sya sayo. Tas after nun paliguan mo sya dapat ang paligo parehas ng oras araw araw then hayaan mo sya magnap. Sa umaga dpat maliwanag and may mga ingay kayong ginagawa around the house. Hayaan mo lang sya magising wag ka matakot mamsh na magising sya. Pagdating ng hapon laruin mo din sya. Then gumawa ka ng bedtime routine nya. Kunwari bigyan mo sya ng quick bath, basahan mo sya ng story the massage mo sya kaunti bago mo padedein. Kailangan sa gabi mamsh patay or dim light lang ang ilaw nyo tas iwasan din mag ingay kapag matutulog na sya. Iwasan din muna mag cellphone habang pinapatulog mo sya. Dun nakakatulog yung baby ko. Isa pang tip ko mamsh is pag aralan nyo po yung side lying position na pagpapadede. At least kapag magising sya ng hating gabi hindi ka na babangon para magpadede.

I started doing bedtime routine nya 1month po sya. Hindi ko naman sya strictly sinusunod. Minsan po nagmimuss din ako ng bath or hindi ko pinapatay yung ilaw lalo kapag may growth spurt sya. Pero once po na nakatulog na sya sa gabi 2-3hrs po bago sya magising ulit. Tas dede lang po sya. Tas tulog ulit.

VIP Member

Mommy nababago yan every month. Pag dating ng 3-4 months maleless na ung pamumuyat nyan. Sa ganyang stage talaga gizing sila sa gabi. Naaalala ko ung hirap ko nung mga panahon na yan grabe iyak sa madaling araw dahil sa sobrang antok tas anak mo dilat na dilat iiyak pa. Prro ngayon tulog na nga sa hapon tulog pa ng gabi 7pm to 11am ng umaga sa hapon tulog ng 2pm to 4pm tiis lang mommy.. Or try mo ung breastfeed sidelying if breastfeed kyo. Nakakatulong yun pampatulog sa bata

ganyan din po baby ko nung una... pero nakatulong yung pakikipaglaro ko sakanya during daytime for better sleep sa evening... if tulog siya mag hapon... better to wake him up by 5/6pm then play with him po... wag heleen, kasi baka makakatulog ulit... then after 2 or 3 hours surely masarap na tulog niya at hahaba na yung tulog niya .. yun lang mamsh

Super Mum

May nabasa ako mommy na kpag umaga dpat wag nyo daw po sya ilagay sa dim room dpat daw po maliwanag at kpag gabi dpat nkapatay ilaw para malaman ni baby pnagkaiba ng umaga at gabi. Sa baby ko po 7 weeks nka adjust na sa tulog at d na namumuyat

Hala totoo? Hirap din kase ako sa baby ko. 😥

Monthly sis nagbabago sleep time ni baby..mga 2months pa tiis sa puyat sis ganyan din ako sa 1st baby ko

Nababago naman ung sleeping pattern nila. Wag ka mainip, matutulog din ng mahaba at mahimbing yan

Wala po tau mgagawa dyan. Kusa po nababago sleeping pattern nla.. taung mommy ang need magadjust 🤣

Kusa pong magbabago yan mommy.. Next month iba nanaman yan.

magbabago din po yan habang lumalaki si baby

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles