Ayaw po ako magbuntis live in partner ko kahit gusto ko na po 6 years na po name nagsasama

Paano po ang gagawin ko kahit gusto kona po magbuntis ayaw ng live in partner ko mag 6 years na po kame nagsasama until now Hindi niya parin po ako binubuntis mag 29 years old na po ako. Ang katwiran niya po mahirapan daw po kame lalot 8 years old pa lang daw po ang anak niya opo may anak po siya sa dating karelasyon may age gap po kame ng partner ko mas bata ako saknya. Tama po ba na wagmuna ako maganak at sundin sya na mahihirapan lng daw kame lalot siya lng ng aalaga sa bed ridden nanay niya. Magipon muna daw po kame after 4 years daw po dun niya bubuntisin. Actually isang reason po ito paghihinala ng family side ko he's just using me to raise his child from other woman pero minahal ko na din po ang anak niya at tinuring na tunay na anak, 2 years old pa lang po ako na nagalaga sa anak nya. Lagi din po niya sinasabe skin na hindi ko kaya magbuntis kase maliit daw po ako hndi ko kaya magbuntis sabe po niya na dedepress na po ako kse lagi tanong skin bakit wala pa daw ako anak . Another po ang dpat ko gawin sundin ko na lng po ba ang gusto ng partner ko na magipon muna paano po if hindi niya parin ako bnuntis after ng pangako niya. Salamat po sa pagbasa at suggestion sa problema ko. God bless po

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sis.. LIP palang kayo😔 tapos 6years na at siya may anak na ikaw bukod sa ayaw niya buntisin di ka din ba niya inaalok ng kasal? Sabihin na natin na nafocus din siya sa pag aalaga ng mama niya.. Eh paano ikaw? Willing to wait ka pa rin ba? Highrisk na magbuntis ang mga babae 35yo above alam mo yan and hindi ka na bumabata. Kung ang goal mo mag anak.. hindi ka nakatali at hindi ka niya binigyan ng assurance na kayo ang endgame.. E kung ako sayo palayain mo na sarili mo🥺 masyado ka niya kinukulong sa problematic niyang buhay sa totoo lang. Wala naman din siya pananagutan sayo e anytime pwede ka niya etchapwera ng di mo namamalayan na maiiwan ka nalang mag isa.. Sis lam ko mahal mo LIP mo pero mahalin mo din naman sarili mo.. Bata ka pa naman sa age na 29 pero ang matres natin may expiration yan. Jusko dami lalaki sis at isa pa masyado siya magdown ng pagkababae mo sabihan ka pa na mahihirapan ka magbuntis.. Hindi ka na nga binigyan ng anak manlalait pa sayo bilang babae. Ang dami niya Redflag bilang lalaki sis sa totoo lang.. Napaka selfish niya.. Mag isip isip ka. Tandaan mo mag trenta ka na at kelangan mo pa habulin ang panahon mo para makabuo ng sariling pamilya sa lalaking kaya ka bigyan ng mga anak at masayang buhay.. Godbless you

Magbasa pa