Ayaw po ako magbuntis live in partner ko kahit gusto ko na po 6 years na po name nagsasama

Paano po ang gagawin ko kahit gusto kona po magbuntis ayaw ng live in partner ko mag 6 years na po kame nagsasama until now Hindi niya parin po ako binubuntis mag 29 years old na po ako. Ang katwiran niya po mahirapan daw po kame lalot 8 years old pa lang daw po ang anak niya opo may anak po siya sa dating karelasyon may age gap po kame ng partner ko mas bata ako saknya. Tama po ba na wagmuna ako maganak at sundin sya na mahihirapan lng daw kame lalot siya lng ng aalaga sa bed ridden nanay niya. Magipon muna daw po kame after 4 years daw po dun niya bubuntisin. Actually isang reason po ito paghihinala ng family side ko he's just using me to raise his child from other woman pero minahal ko na din po ang anak niya at tinuring na tunay na anak, 2 years old pa lang po ako na nagalaga sa anak nya. Lagi din po niya sinasabe skin na hindi ko kaya magbuntis kase maliit daw po ako hndi ko kaya magbuntis sabe po niya na dedepress na po ako kse lagi tanong skin bakit wala pa daw ako anak . Another po ang dpat ko gawin sundin ko na lng po ba ang gusto ng partner ko na magipon muna paano po if hindi niya parin ako bnuntis after ng pangako niya. Salamat po sa pagbasa at suggestion sa problema ko. God bless po

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hindi ka tlga nya mahal.ginagamit klng nya.hindi rason 8years old plang anak nya.e hindi mo nmn yun anak hindi mo kadugo..iba padin yung sariling anak nyong dalawa.much ok kung hiwalayan mo nlng kayo..kase tayo mga babae may limitasyon lng ang edad na pwedeng mbuntis.sya kase lalaki wala problema sa knya kung kailan nya gusto..kase kung tlgang mahal k nya ibibigay nya sayo yung gusto na sa tingin nya ikakasaya mo at mkapag completo sayo bilang babae

Magbasa pa
VIP Member

may point naman sis kung medyo hirap sya financially pero unfair sa part mo na ikaw na din naman tumayong mother nung anak nya pero ikaw walang sarili. Other option is to wait hindi naman kabawasan sa pagkababae pag wala pang anak eh. Pero in your case na gusto mo na talaga problema nga yan. Lalo na mas mahirap magbuntis kapag overage na. pero dika pa naman overage mi, pag usapan nyo nalang po ng hubby mo

Magbasa pa
2y ago

Sbe po niya sige nnjan na Yong bata may maiibigay ba tyo better life sknya if nagiikahos tyo much better muna daw po magipon kme para handa kme sa mga needs niya hangga lumaki yan po sbe niya sis. Iniisip ko din po na why not bigyan ng chance last 3 years if hndi print niya mabigay gusto ko magpapaalam nko sknya yan po final ultimatum ko since napamahal na din skin anak niya pinipigilan ako Iwan sila pero Sana if dumating po araw na yon na wala prin panagko niya skin Sana maintindhan ako ng bata

nagkaroon din ako ganyan sitwasyon na gusto ko na magkababy kami kasi 29 na ko that time pero ayaw nya...yun iniwan ko😂so bad!haha...saka naging practical lang naman din ako...palibhasa lalake sila kaya madali lang sa kanila magsalita na wag na muna di nila inisip na delikado magbuntis tayo mga babae pag may edad na...ngayon eto preggy na ko at kasal na din kami...🥰🙏

Magbasa pa

kung gusto may paraan , ginagawa kang katulong ng asawa mo jusko! asawa ko nga gustong gusto na mag pakasal at mav ka anak kaso sabi ko 3 palang panganay namin tsaka wala pa kami budget sa pagpapakasal , tumatanda ka na mamsh mahihirapan ka sa pag bubuntis , palayain mo sarili mo sa ganyang sitwasyon dahil ikaw talaga ang talo.

Magbasa pa

ganyan din yung parner ko noon ayaw ako mag buntis gusto nya sya lang iintindihin ko kase may mga anak na sya. sa iba babae .kahit masakit iniwan ko sya .yung di nya akalain iwan ko sya ayun. hinuyo nya ako binutis nya ako .masaya may anak kahit isa may agegap din sya sakin. ngayon buntis ako mag 7months na .☺️

Magbasa pa

Imposible naman na dahil maliit ka kya hnd mo kaya mgbuntis sis. Kaya mo yan. Ayaw lng kasi nya. Wag mo hintayin ung age na mahirapan kna magbuntis sis. Tapos pg late 30s kna mabuntis minsan daw hnd normal or mahina ang development ni baby kaya mas maganda manganak kna ngayung 20s ka

hiwalayan mo na. kapag hindi pa siya nahimasmasan, at naconsider gusti mo, eh talagang wala ka lang value sa kanya. ikaw ang magbigay ng value sa sarili mo at hindi ang live in partner mo. saklap lang din, kasi live in kayo. wala kang hawak. anytime, pwede ka din niya bitawan.

Magbasa pa

I feel you and it hard but still look for yourself and love yourself.. your beautiful... get out to the situation as much as you can.... bakit Hindi Ka niya binibigyan Ng assurance? kasal?? ano Ka po ba SA kanya? ... may God guide you and give strength... God bless po.

wag po kayo maniwala na magiipon in 4 years. 6 years nga po kayo wala naman sya naipon at hindi pinaghahandaan ang future ninyo. kinikeep ka po nya dahil mas convenient sa kanya na may katulong sya sa pag aalaga ng anak nya. mag isip isp na po kayo.

VIP Member

For me po much better kung tatanungin nyo sya ng masinsinan kung ano talaga yung rason nya at ipaintindi nyo din po sakanya yung gusto nyo, kapag hindi pa din po nya naintindihan it means may mas malalim pa syang rason kung bakit ayaw nya.