Paano nyo pinapaliwanag sa ga anak nyo na hindi nyo kayang bilhin ang hinihiling nya?

sinasabi ko ang totoo. kung hindi talaga namin kayang bilhin at mahal, sinasabi ko sakanya. naiintindihan naman nya. kausapin mo lang po ng mabuti. Pwede rin na tanungin mo baka may iba pa syang gusto at baka kaya naman ng budget. habang maaga mas maganda na malaman na nila ang value ng pera at maturuan. para di ka mahirapan. kesa maging spoiled ang bata lalo na sa materyal na bagay.
Magbasa pasi Mama lagi niya sinasabi "Bilhin natin yan pagyaman natin" hanggang tumanda na ko di pa rin kami yumaman 🤣 sa anak ko sasabihin ko na straight na mahal yun at maghahanap kami ng alternative, pili siya iba or pag iipunan namin un. her choice. gusto ko matuto siya magdecide on her own. ayoko kasi ng karanasan ko nung bata, pinapaasa ko ng nanay ko 🤣
Magbasa paang technique ng mom ko prior na umalis nag sasabi n siya n bawal mag turo pag sinama niya. ang magturo next time iiwan na nya sa bahay, habang nag kaka isip n kami blunt niyang sinasabi na 200 lng budget namin sa isang linggo. wala n kmi kakainin sa ilang araw,. siya pa mag tatanong paano niya pag kaka syahin kung bibili pa siya laruan na gusto namin.
Magbasa paSinasabi ko sa anak ko na dapat sya mismo ang matutong mag ipon kung may gusto syang bilhin. Kaya lagi syang nag sasave ng coins sa alkansya nya everytime na may mga tira kami sa mga bulsa namin at ibinibigay namin sa kanya. Sa ganitong paraan, natututo na din syang mag save hanggat bata pa sya at maaring madala nya pag tanda nya.
Magbasa paiexplain nyo lang na wala kayong pambili and make a promise once na magka pera kayo bibilhin mo yung gusto nya (naniningil yung anak ko noon pag nakaramdam sya na may pera na) 😂 Mas natututo sila kapag di lahat ng gusto nila nabibigay mo.
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-31342)
I'm so bad, but sometimes I resort to making false promises. "If you do this, you get that toy you're asking for." Or, "Let's ask Dada in the weekend." Tapos nakakalimutan naman...paminsan.
Sinasabi ko sa anak ko na hindi pa kayang bilhin sa ngayon yung toy na gusto nya kase need pa ni daddy at mommy nag mag work para maipon yung pambili ng gusto nya.
kausapin Ng maayos at IPA intindi sa kanya na nak Wala pang budget c mama at papa ehhh pwd ba pag nagka bugjet na c papa at mama saka na natin bilhen Yun 😘🥰
maige po na kausapin ng mahinahon ung bata . ung anak po nmen marunong makiramdam pag wla . thankful po ako n marunong sya umintndi kpag di tlga pasok sa budget .