Venice Go profile icon
PlatinumPlatinum

Venice Go, Philippines

VIP MemberContributor

About Venice Go

Mom of two beautiful children.

My Orders
Posts(2)
Replies(324)
Articles(0)

The newest member of our family

EDD: July 4, 2021 DOB: July 1, 2021 Name: Klaus Marcel G. Santos Share ko na din experience ko like other moms here. Nanganak ako 39w4d, nakatatlong swab test ako. Sakit sa bangs, buti at di na umabot sa pang apat. June 29 - lumabas na ang mucus plug ko. Since normal lang naman na lumabas yun at di pa naman nasakit ang tyan ko at ganun din sa panubigan, di ako nagpunta ng ospital June 30 - meron na naman. Di pa rin masakit ang tyan ko at di pa pumutok panubigan pero yung pagtigas ng tyan ko 7-9mins nalang ang pagitan nung gabi pero di parin ako nagpunta ospital. July 1 - may dugo pa rin na lumalabas pero this time around di sya kasama nung jelly like na discharge. Pero kaunti pa ring dugo lang. Nagdecide na ako na magpacheck na at sa araw na din na to pina admit na ako kasi every 6 mins na ang contractions ko pero di masakit. 😁 pag IE sakin 7cm na pala ako. Pagtapos kong magfill out ng papeles, pinasok na agad ako sa labor room. Hinintay ko lang OB ko. 5pm na kami pumunta ng ospital, by 8pm dumating na OB ko. 8:30pm pinutok na panubigan ko, 8cm na din ako nito. 9:15pm nasa delivery room na ako tapos 9:35pm baby's out na. Pinatulog na ako nito, paggising ko tapos na ko tahiin at palabas na ng DR. Ang bilis ng pangyayare. Pasalamat ako kay Lord at kay baby dahil di ako nahirapan maglabor at manganak. Di rin ako nagpaepidural, so nakatipid kami. Salamat sa pagbabasa. Sa mga malapit na manganak na mommies jan, kayang kaya nyo yan. Pray lang ng pray for a safe delivery. Problema ko naman tahi ngayon kasi sa laki ni baby hanggang pwet ang tahi ko. Lol. Di ako makaupo, yung sinulid tumutusok sa pwet ko na maga pa hanggang ngayon. 😭 #sharingmyexperience #sharingmystory #givingbirthstory

Read more
The newest member of our family
Super Mum
Post reply image
undefined profile icon
Write a reply

Free swab test

To all pregnant moms we have here. Please share this. Libre ang swab test ng mga buntis. Nagparegister ako ng friday, tinawagan ako ng monday to confirm the swab sched saka kung saang lugar ako magpapaswab. Ang labas ng result ay 3-5 days, validity ay 7 days. Kung hindi ka pa nanganak, pwede ka uli magpasched ng swab test. #freeswabtest #freertpcr #pregnant ‐-----‐------------------------------ Manganganak, at kailangan ng swab test result? Magpa-swab sa QCESU! Matagal ng PRAYORIDAD ng ating LIBRENG KyusiTesting ang mga buntis, na nangangailangan ng swab test upang makapanganak sa ospital o klinika. Makaaasa na walang kahit anong BAYAD ang nasabing swab test. Sundin lamang ang proseso para sa libreng swab test: 1. Sagutan ang Reservation Form na ito http://bit.ly/QCfreetest 2. Hintayin ang Verification Call mula sa ating CBT Verifier. 3. Alamin ang araw ng appointment sa Confirmation Text na inyong matatanggap. Maaari ring magtanong sa ating mga health centers kung paano maa-avail ang libreng swab test. #QCESUhelps #Swabtest #Priority

Read more
undefined profile icon
Write a reply