Paano niyo sinasabi kay hubby niyo kapag parang nakakalimutan niya na may parating kaming baby (25weeks preggy) na panay gastos siya na pakiramdam ko na aasa siya sa makukuha kong SSS maternity claim. Pero kasi may 3mos akong hindi sasahod kasi nga iaadvanca na ni company yun dba? So may gastusin din kami sa bahay, lalo na nakabukod po kami. Ako ang nag bbudget.
Tbh, sorry nakikita ko kasi ang naiipon ni hubby and parang lagi niyang nagagalaw. Kama-kailan lang bumili ng motoe tapos ngayon laptop ewan o kung ano ba na sa utak niya eh.
May tiwala naman ako pero kasi kahit sa pagbili ng mga vitamins ko at pampacheck-up halos nahihiya na ako mag sabi sknya kasi gusto ko makapag ipon siya. Yung pambio ng gamit ni baby, ako na din sasagot kasi may quarterly allowance na binibigay si company namin at doon ko gagamitin pambili ng gamit ni baby. At sinabi ko sknya yun, pabor sknya kasi di na siya mag aambag. Like magdagdag man siya eh konti nalang. Pero bakit ganito? Parang wala lang sknya? Kasi may work naman ako?
Pakiramdam ko mag isa na naman akong nagiisip dito. Ako na naman ang pagagalawin niya sa pag bbudget. Tbh, di naman malaki sahod ko eh.
Inisang tabi ko na yung luho ko. Pero si hubby, kung anong maisip niya, gagawin niya. Parang "hello, may parating tayo baka pwedeng sa susunod nalang?"
Hays ang hirap ng ganito.