Paano niyo napaliwanag ng maayus sa in laws niyo na combine na lang binyag at first birthday? Kasi nasabi ko na once or twice pero sabi kawawa naman daw si baby namin. Kahit sila na daw sumagot ng binyag pero syempre para mas wais at mas gusto namin kami rin gagastos. Pano ko pa kaya mas mapapaliwanag? Gusto nila konti na lang daw kunin na ninong at ninang. What should I do? Sa side ko kasi natural lang na combine parties. Help please?

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Question lang mommy, agree ba ang husband mo na combine yung binyag and 1st bday? If yan ang napagkasunduan ninyong mag-asawa, ask him na sya ang magexplain sa parents nya at hindi ikaw. Mas alam nya paano ieexplain sa kanila kasi mas kilala nya magulang nya kaysa sa yo. Madaming decision kaming mag-asawa na hindi masyadong sang-ayon ang inlaws ko like no party kami noong 1st bday ni baby, playdate lang with the kids of our daughter's godparents. Lahat husband ko ang nagexplain sa parents nya and not me. That way, hindi kami ni MIL ang magkakatampuhan. And ganun din naman sa end ko, ako ang nagexplain sa family ko. Basically we tell them na we appreciate their input but eto yung napag-desisyunan namin mag-asawa.

Magbasa pa