Paano niyo napaliwanag ng maayus sa in laws niyo na combine na lang binyag at first birthday? Kasi nasabi ko na once or twice pero sabi kawawa naman daw si baby namin. Kahit sila na daw sumagot ng binyag pero syempre para mas wais at mas gusto namin kami rin gagastos. Pano ko pa kaya mas mapapaliwanag? Gusto nila konti na lang daw kunin na ninong at ninang. What should I do? Sa side ko kasi natural lang na combine parties. Help please?

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sis, kami sabi namin, isa lang celebration para tipid kasi ung bisita sa binyag, sila din sa birthday. Wala naman add ons, swerte lang din ako kasi father in law ko ofw, so nasasabi ko din na mas maganda kumpleto lolo at lola ng baby sa dedication at first birthday at sakto naman na uuwi para sa 1st bday so ayun ang sinasabi ko. Straight to the point lang. Di naman magandang magpa binyag or celebrate nang napipilitan lang

Magbasa pa
TapFluencer

Ako sa side naman namin yong atat pa binyagan ang lo ko halos araw araw pag nakkita ako ng mga tita ko specially yong mga lola naku hindi ka talaga tatantanan niyan hanggat hindi mo na papabinyagan. Kng sila naman ang gagastos ng pabinyag let them be...kung ayaw mo naman sila ang gumastos edi mag metrodeal ka meron doon mura catering good for 30person 3999 lang your lucky pag taga qc ka kasi walang addtional charges.

Magbasa pa

You really don't have to ask permission from your in laws. Pag malapit na ang occasion, remind mo na lang sila and tell them that you have arranged everything for the baby's birthday and christening. You may apologize if you think needed for not telling them ahead of time. Sabihin mo na lang that you found a great deal kaya pinagsabay mo na ung 2 celebrations and hindi mo na naipalam agad sa knila.

Magbasa pa

Una sa lahat magpasalamat ka muna sa pagaalok nila ng tulong pero ipaliwanag mo na may sarili na kayong pamilya ng anak nila kaya lahat ng gastusin hanggat maari ay sa sarili ninyong bulsa manggagaling at maging sa decision ninyo ay kayo pa din ang masusunod. Mag paumanhin ka na lang din sa dulo dahil firm kayo sa decision ninyo na maging praktikal.

Magbasa pa

Mas maganda sis na ihiwalay yung binyag at 1st bday para ma highlight yung celebration ng bawat isa.ganyan din aq nung una gusto q isabay may nag tip din sa akin na mas maganda ihiwalay.kahit simple.lang yung binyag ang mahalaga is nabasbasan yung baby mo

It's for you to decide, kung ayaw mo mahirapan you need to set up boundaries, wag mo pahantungin sa ganyan na nahihirapan ka kung pano sabihin sakanila desisyon mo, kausapin mo lang sila ng maayos tungkol sa na pagdesisyunan nyong mag asawa tapos yun na.

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-18632)

Mas maganda po kasi mabinyagan ng maaga. At ako mga kapatid at inlaws ko lang kinuha kong 2nd parent or god mother ng anak ko kasi whatever happens they are always stay anf stand at my son.

Ako sis sa bunso namin sinabay ko binyag at 1st bday nya