Paano ninyo pinapaintindi sa mga anak nyo na ang NO means NO?

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I think need mo lang maging consistent din. Katulad lang ng isang time, sinabi ng anak ko sa tita nya na "Chaka" (means Pangit) parang nagtawanan ung mga relatives namin so parang na encourage siya na ulitin pa khit sinabi ko sa kanya na hindi maganda ung salita na yun. So next time kinausap ko din mga relatives ko na help din ako sa mga pagturo ng mga words sa anak ko.

Magbasa pa

Paulit ulit kong sinasabi na hindi lahat ng gusto nya ay makukuha nya all the time. Nakikipag matigasan ako at firm ako sa decision kko na NO talaga. Kase the more that we give in the more they control us sa mga ganoong klaseng situation e. Kung hindi natin ma-correct yoon, lalala na yun into tantrums kahit in public.

Magbasa pa

Dapat ang mga kasambahay, lolo, lola, tito at tita ay aware sa rule nyong mag asawa na no means no para hindi nakakahanap ng kakampi ang bata at malalaman nya na sa unang sabi pa lang ng kahit sino na no ay final na.

I agree sa consistency at hindi pwede yung ningaa kugon. Hindi din dapat nag iintervine ang mga lolo at lola para masanay ang bata na hindi sa lahat ng oras ay makukuha nya ang gusto nya.