Paano nag-propose sa inyo si mister?

Paano nag-propose si mister? Ikuwento sa comments section ang nakakakilig niyong love story!

Paano nag-propose sa inyo si mister?
104 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Wala ng proposal nabuntis na nya kc ako. πŸ˜“ Tapos wala man siyang sinasabi sakin nun kung ano ba balak nya samin ng baby ko., sobrang nakakalungkot. Ako pa nagtanong sa kanya kung magpapakasal ba kami o hnd, ang sagot "ikaw kung kelan mo gusto" sobrang nakakaistress kc hnd mo makitang masaya siya.,tapos pag nagsabi ka naman ng date bigla na lang mabibigla. Feeling ko tuloy na parang pikot lang ang dating. Ayoko kasing madissapoint ang parents ko sakin na hnd ako maikakasal kc dalawang ate ko na ang nabuntis at hnd pinakasalan. Ang hirap mga momsh 😫 yung pinilit mong maikasal sa taong hindi ka mahal. Kaya cguro nagsusuffer ako ngayon kasi dalawa na anak namin ngaun pero hindi ko parin maramdaman yunv love nya para sakin πŸ˜₯ sobrang sakit mga mommies! Kaya sobrang swerte at nakakainggit yung mga mommies na mahal na mahal sila ng mga asawa nila. Dahil ako mapabirthday, anniversaries at etc. hindi nya ako binabate, hate na hate ko ang pagdating ng araw ng mga puso kc ito yung araw na umiiyak lang ako, na sumasakit dibdib ko sa hiya kc ako lang ata sa office ang hnd pinapadalhan ng flowers or any gift sa Valentines kahit man lang pabati. Feeling ko ang Feb 14 ang pinakamalungkot na araw para sakin :( I'm only a Happy mom but not a happy wife!

Magbasa pa
4y ago

Bat mo naman gugustuhin ikasal sa ganyang lalaki? Okay na yan di kayo ikasal at least di ka mahihirapan umalis.

VIP Member

LDR kami.at sa fb lang din kami nagkakilala.nung mag 2years kami tanong niya sakin kung pakakasalan ko daw ba cya ng proposed siya sa phone lang πŸ˜‚πŸ˜‚ pero kilig man ako 😍😍 pang 3rd year namin nagpakasal kami bago siya magpunta nang phil. Nagpakasal kami nasa saudi siya at nandito ako sa pinas.( We are muslims kaya ok lang un ) gusto kasi niya bago niya ako makita at mahawakan sa kamay kasal na kami.😍😍 Nagkita kami after 1year ng kasal namin.pumunta siya nang phil at pag dating niya nagpakasal uli kami 1st wedding anniversary namin 😍😍.ngayon magiging 2 na ang baby namin at super happy kami..hindi man sing sweet nang iba yung way niya nang pag proposed okay lang kasi masaya naman ako sa kanya.worth it dahil ramdam ko kung paano niya ako alagaan at pahalagahan.di man siya sobrang sweet kahit na masungit siya meron naman siyang ibang way pra iparamdam na gusto niya masaya lang ako palagi sa kanya. 😍😍 πŸ‡΅πŸ‡°β€οΈπŸ‡΅πŸ‡­

Magbasa pa
5y ago

Wow congrats sis😍😍

Luh we were on a coffee shop in Qatar ( the torch-known hotel, coffee shop der). We had a dinner then right after the dinner I told him na wag na kaya tayo magkape an mahal n kasi nagastos natin pauwi na rin tayo ng pinas. Pero he still insisted. Pagdating sa the torch kwentuhan, then he asked sure knb sakin? I answered him back.. Oo naman jusko, ppakasal n nga tayo sa June e. Then bigla syang my nilabas na pekeng sing2 for I tot yun na. Haha! Yun reaction ko, Omg! ❀πŸ₯° is that true? Sabay sabing peke yan, ayun tameme ako, ngfocus s phone ko. Maya2 my nilabas na syang diamond ring (a white gold with 10diamonds) then ayun teary eyed an Lola nyo! 😭❀πŸ₯° sabay sabing san m kinuha pera? Hahah. Kasi since ngplan na kmi ng kasal lahat ng sahod nya nsakin. So blessed that after our wedding Last June29 GOD granted our prayers (preggy na ako before sya bumalik ng Qatar) so an lola nyo teambahay 😁✌ #ftm#blessed#GodhasperfectTiming#trusthisProcess

Magbasa pa
Post reply image
5y ago

Ay hehe ❀πŸ₯° san nabili ni hubby m sayo? 😁

South Korea, coz I’m working there that time. May fireworks event somewhere in Seoul. October 2019. Tapos he came to visit me. Ayun under the fireworks ang peg pero walang luhod factor hahaha kasi sobrang dami ng tao. Bulong edition ang peg. πŸ˜† sabi nya β€œBabe, Pakasal na tayo.” Sabi ko naman sige tara πŸ˜† not knowing na may balak siya kasi madalas din naman na namin pag usapan. And ganon talaga kami mag usap.. πŸ˜‚ Tapos maya2 nagsabi na β€œwill you marry me?” Sabi ko naman, β€œoo naman” not knowing na may pasingsing paandar na pala siya. πŸ˜† kasi dati pag tinatanong nya ako, wala lang yun kasi LDR nga kami hahaha tapos same din naman sagot ko lagi πŸ˜†yun pala that time totoo na ❀️ Anyway, mag 6 yrs in a relationship that time hehe siguro nga it’s about time na din πŸ₯° Now mag 7 yrs as bf/gf kami then having a baby boy sometime soon πŸ₯° and mag 1 yr ng Married sa May ❀️ Napakwento na ko mga momsh heheheπŸ˜…

Magbasa pa

Sa family gathering, Christmas eve. Alam na ng buong family ko ako na lang hindi. Nagsimba muna kami ni bf tsaka ng family ko tapos nung evening nasurprise ako buong family nya andun sila sa bahay pero inisip ko na dahil Christmas eve naman kaya siguro nandun. Plan kasi namin na after Christmas eve dun naman kami sakanila. So may mga nangaroling sa labas ng bahay, may sobre na ibibigay para sa nangangaroling ako ang pinag aabot nina mommy. Nagpasama ako kay bf. Nung iaabot ko na sa mga nangangaroling nagulat ako. Biglang kinanta ng mga nangangaroling yung love song namin ni bf. Tapos si bf kumakanta na rin sa harap ko. Tapos naglabasan isa isa family ko at family nya na may dala dalang bulaklak na binigay sakin. Ayun nung natapos yung song nagpropose si bf. Yung singsing pala is nandun sa may sobre.

Magbasa pa

Nagpunta kami sa Boracay para magbakasyon,ang dami niyang pakulo na mga adventures,ktv,helmet diving,paragliding,snorkling,island hoping at kung anik anik pa lahat yun tintry naming dalawa at lahat yun pala sinubukan niya magpropose sa akin kaso sa ktv at island hoping wlang chance siyang nakita,sa helmet diving lumuluhod pala siya pinapatayo ko siya kase baka matanggal kako helmet niya e apakalalim nun dun πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ epic fail kase panira ako tlga ng plano tapos sa paragliding wala pang 5 mins umiiyak ng lola nio dahil may fear of heights ako hahaha πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ ang ending after ng lahat ng activities e sa pool ng hotel na lang siya ngpropose πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Magbasa pa
Post reply image

March 30, 2019 at Casa Vallejo Baguio Hotel. πŸ’ Yung after namin gumala sa baguio, bibisita lng daw kmi sa cousin nyang nag wowork sa Casa Vallejo, then sabi cr lng daw sya and sabi ni cousin nya sakin. *Tara samahan mo Ako mag room check. and then while sa VIP room na pumasok kmi and Boom! Gulat ako. Hahahaha yun na. Lumuhod sya and nag sabing will you marry me? and Of course *I said yes to him* 😝❀️❀️❀️ 11 months after February 15,2020 Nagpakasal na kmi Thank God at hindi inabot ng lock down and I'm 3 months preggy now. Soon to be mom and dad na πŸ™‚ #HappyAndBlessed πŸ’πŸ’πŸ’

Magbasa pa
Post reply image
VIP Member

may whole day meeting ako malapit sa family home ng husband ko, so sumaglit muna ako do'n habang nagpapalipas ng traffic bago umuwi. sabi ko sa kanya i was having such a bad day, tapos niloko ko na mag-propose na siya para masaya. maya-maya kinalabit niya ako, tapos inabot yung box. pagbukas ko may singsing! hahahaha! matagal na pala niyang nabili at nag-iisip lang siya kung paano niya gagawin. wala siyang special na ginawa, pero na-appreciate ko pa din how he did it kasi wala naman sa personality naming dalawa ang grand gestures. awa ng diyos, 9 years na kaming married :)

Magbasa pa

Lagi niya kong sinusundo from work pero isang araw bigla na lang nagsabi na di siya sure kung makakasundo siya kasi kaylangan siya ng mama niya. So syempre naintindihan ko naman. Pero bigla na lang siyang nagalit nung sinabi kong update niya ko. With matching sigaw sa phone so nagulat ako na nainis na rin kasi bakit kaylangang ganon. To cut the long story short, umuwi akong mag isa na puno ng sama ng loob sa kanya at halos naiiyak iyak sa jeep habang nasa biyahe. Pag baba ko, nagulat ako kasi bahay lang namin walang kuryente? At ito na bumungad sakin pagpasok ng bahay.

Magbasa pa
Post reply image

Unofficial proposal was when we bought our condo. Sinulat nya will you marry me sa computation nung condo na bibilhin namin lol Yung official proposal dinala ako ng friends ko sa hotel pero ang alam ko sa bar kami pupunta kasi bachelorette party ko na (we were already planning our wedding this time kasi need ko magpaopera so minadali yung wedding namin and all) di na ako nag eexpect na magpopropose sya kasi nga nagplaplan na kami ng wedding. Tapos ayun in front of our friends nagpropose sya it was sweet kasi may messages pa sya and all

Magbasa pa