Paano mawala o mabura sa isip ng anak ko 8 years old ang pamamalo at mga masasakit na nasabi ko sa kanya? Mabait nmn ang anak ko kapag nagaaral nga lang kami laging ang sagot hindi niya alam ang sagot ay nasa harapan lang nmn. Lagi ako nadadala ng stress at galit ko kapag nagtuturo aq sa kanya na nauuwi sa sigaw palo minsan pananakit sa kanya. Alam ko hindi kasalanan ng anak ko n hindi agad nia makuha ang sagot. Kaya ako dapat muna ang magbago. Kaso hindi q tlga mabago bago ang sarili ko kung paano maging isang mapagpasensya ina sa lahat ng oras at maging maunawa teacher niya. Lalo na ngaung ganito ang panahon.