1 Replies

VIP Member

Ano Ang Sintomas ng Mababa ang Matris? Ang Uterine prolapse ay nangyayari kapag ang kalmnam at litid ng balakang ay humihina dahilan upang hindi nito masuportahan ang matris. Bilang resulta, bumababa ang matris at lumilitaw sa labas ng vagina. Ang mga sintomas ng mababa ang matris ay maaring maranasan ng babae anuman ang kaniyang edad. Ngunit, karaniwan ito sa mga mga postmenopausal o di kaya’y iyong mga ilang beses ng nanganak. Ang hindi malubhang uterine prolapse ay madalas hindi nangangailangan ng anumang gamutan. Subali’t kung ang pagkakaroon ng mababang matris ay nakakaapekto sa iyong pangaraw-araw na pamumuhay, mahalaga na ikaw ay magpatingin sa lalong madaling panahon. Ano ang prolapsed uterus o mababang matris? Ang prolapsed na uterus ay nangyayari kapag ang matris ay bumababa mula sa normal na posisyon na ito. Ito ay nagaganap kapag ang tisyu na sumusuporta sa matris ay nababanat at humihina. Ang mababang matris ay tinatawag din na uterine prolapse, ito ay karaniwang kondisyon na nakakaapekto sa pisikal at sekswal na aktibidad ng babae maging ang kalidad ng kaniyang pangaraw-araw na buhay. Ang matris, kasama ang iba pang organs ng balakang ay sinusuportahan ng patong-patong na muscles ng pelvic floor na maihahalintulad sa isang duyan. Mula sa harap papuntang likod, ito’y nagsisimula sa pubic bone hanggang tailbone, kabilang pa rito ang iba pang kalamanan na sumusuporta sa gilid nito. Kapag ang babae ay may uterine prolapse, ang kalamnan maging ang litid nito ay walang lakas upang maibigay ang normal na suporta dahilan upang ang matris ay maitulak pababa. Kapag ang matris ay bumaba papuntang vagina, maari itong umusli hanggang sa bukasan nito. Ang pantog pati ang dumi ay maari rin lumabas sa isang kondisyon na tinatawag na pelvic organ prolapse. Ang uterine prolapse ay maaring ikategorya bilang kumpleto o hindi kumpleto: Incomplete uterine prolapse: Ang matris ay bahagyang bumaba papuntang vagina ngunit, hindi ito lumilitaw sa labas. Complete uterine prolapse: Ang bahagi ng matris ay lumilitas sa bukasan ng vagina. Ang grado ng kondisyon na ito ay nakadepende kung gaano ang ibinaba ng matris: ♦️Unang marka: bumaba sa itaas na bahagi ng vagina ♦️Ikalawang marka: bahagyang bumaba sa bukasan ng vagina ♦️Ikatlong marka: ang leeg ng matris ay bumaba hanggang sa bukasan ng vagina ♦️Ika-apat na marka: ang buong katawan ng matris ay bumaba hanggang sa labas ng bukasan ng vagina. Ang malubhang kaso ng uterine prolapse ay nangangailangan ng operasyon samantalang ang mga nasa unang yugto pa lamang ay maaring malunasan sa tulong ng page-ehersisyo. Ano-ano ang mga sintomas ng mababa ang matris? Ang mga babaeng hindi malubha ang uterine prolapse ay walang nararanasang anumang sintomas. Ngunit, ang malubhng uterine prolapse ay mayroong mga sintomas gaya ng: ♦️Pakiramdam na tila umuupo sa isang bola ♦️Pagdurugo ♦️Mas maraming discharge ♦️Problema sa pakikipagtalik ♦️Ang matris ay lumabas sa vagina ♦️Mabigat na pakiramdam sa balakang ♦️Constipation o hirap maglabas ng dumi ♦️Paulit-ulit na UTI o hirap sa pag-ihi Kung ikaw ay nakakaranas ng mga sintomas ng mababa ang matris, kailangan mo na agad magpakonsulta sa doktor. Dahil kapag hindi nabigyan ng tamang atensiyon, ang mga kondisyon na ito ay maaring lumalala na makakaapekto hanggang sa iyong pagdumi, pag-ihi, at pakikipagtalik. Ano ang sanhi ng pagbaba ng matris? Ang mga sumusunod na kondisyon ay nagdudulot ng pagbaba ng matris: ♦️Panganganak sa pamamagitan ng vaginal delivery ♦️Paghina ng kalamnan ng balakang dahil sa pag-edad ♦️Paghina ng mga tisyu pagkatapos ng menopause dahil sa pagkawala ng natural na estrogen ng katawan ♦️Mga kondisyong nagdudulot ng mas mataas na presyon sa tiyan gaya ng pag-ubo na maaring dulot ng bronchitis at hika. ♦️Pagiging obese o masyadong mabigat ang timbang ♦️Dumaan sa operasyon sa may bahagi ng balakang ♦️Paninigarilyo Paano maiiwasan ang uterine prolapse? Upang maiiwasan ang sintomas ng mababa ang matris, subukan mo ang mga sumusunod: 1. Palagiang mag-Kegel exercises – Ang uri ng ehersisyo na ito ay nagpapalakas sa iyong pelvic floor muscles, lalong mahalagang gawin ito pagkatapos manganak. 2.Gamutin at iwasan ang constipation. Uminom ng maraming tubig at kumain ng mga high-fiber foods gaya ng prutas, gulay, at mga whole-grain cereals. 3. Iwasan magbuhat ng mabigat na bahay. Kapag nagbubuhat, gamitin ang iyong mga binti sa halip na bewang o likod. 4.Gamutin ang ubo. Ikaw ay magpatingin kung ikaw ay laging inuubo at iwasan din ang paninigarilyo. 5. Magkaroon ng tamang timbang. Tanungin sa iyong doktor ang tamang timbang para sa iyo at alamin ang mga paraan upang makuha ito. Ano ang gamot sa mababang matris? 1. Medications. Ang paggamit ng estrogen cream o suppository rings na ipinapasok sa vagina ay makakatulong upang maibalik ang dating lakas nito. Ngunit, ang estrogen ay maari lamang gamitin ng ilang postmenopausal na babae. 2. Operasyon. Ito ay nakadepende sa iyong edad o sa kahilingan mo pang magkaroon ng anak. Kapag masyadong malubha ang iyong uterine prolapse, nangangailangan na tanggalin ang iyong matris. Tinatawag itong hysterectomy. Kumunsulta sa inyong OB doctor kapag palagay mo ay meron ka nito.😊

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles