Paano makalaya sa sakit na galit at inggit? ???

Napakagandang katanungan. 💕 Brace yourself...medyo mahaba po ito. Kung ito ay tinanong mo para sa iyong sarili, congratulations po! The fact that you humbled yourself and asked "how" has put you in the direction towards receiving the help you need and the freedom you want. Kung ito naman po ay itinanong mo para sa ibang tao na laging galit at nai-iinggit, let it gowww. Wag mo sila problemahin. Di mo sila mababago. 😉 Ang galit at inggit ay hindi po sakit. Ang mga ito ay sintomas lamang ng mga mas malalim na issues. Una, mahalagang maunawaan na bawat isa sa atin ay may "love tank" na kailangan mapunuan. Simula pagkabata natin, ang love tank natin ay nadadagdagan o nababawasan depende sa mga karanasan natin sa ating mga magulang, parental figures at pamilya. Pangalawa, bawat isa ay may sariling paraan para mag-cope (coping mechanism) kapag yung love tank ay hindi napupunuan. Ang coping mechanisms natin ay nadevelop din simula nung tayo ay bata pa at nadadala natin into adulthood. Upang makalaya sa galit at inggit, maiging alamin mo kung ano yung trigger o pinagmumulan nito. Ano ba yung usual na dahilan ng galit mo? Tuwing kailan ka ba nakararamdam ng inggit at ano yung kalimitan na kinaiinggitan mo? Kapag nakita mo na yung trigger, that's where you can dig deeper to find out the root cause of your anger and envy. Most likely, it is an unmet need - maybe a need for appreciation or recognition. Or a need to be understood, accepted and loved. Or a need for justice. Or perhaps a need for security. Oftentimes, we grow into adulthood subconsciously looking for what could fill that unmet need. We keep searching, digging for answers but nothing satisfies... ...until we meet the One. That one Person who gave His life once and for all, so we can have a full life and be truly, eternally free. Kilala mo na ba Siya?
Magbasa pa