help please
paano kung ung tatay ng baby ay: *magaling lang sya magkwento, wala namang gawa *wala ka ngang maaasahan *hindi magalang *walang responsibilidad *bata mag isip *hindi sapat na mahal mo lang *magulo *pala asa *hindi kumikilos ng kanya *silaw sa pera *mama's boy *magulong ang pamilya jusko 24 yrs old na, ganyan padin

Nasasanay kasi na ganyan sis. talk to him muna. need mo lang din minsan pukpokin pag ganyan kung gusto mo magbago siya. 😅 mahirap kasi mag give up agad w/o trying pero bigyan mo ng ultimatum and pag di talaga kaya tsaka ka magdecide. Tulungan mo siya magbago step by step. Share ko lang si hubby ko nung una puro bisyo, walang sense of responsibility, ayaw maghanap ng maayos na trabaho kung ano lang tingin niyang kaya niya dun lang siya, waldas at di nakakatulong sa pamilya niya. Pinugpog ko siya. Nagsend ako ng resume niya sa ibat ibang company pinilit ko pa siya pumunta sa interview sinasamahan ko pa siya, ultimo sss philhealth pagibig NBI ako pa nagayos, chaperone kumbaga 😅. Pero di ako napagod tulungan siya para magbago kasi alam ko kaya niya. Ngayon maayos na trabaho niya, nagbibigay na siya sa magulang niya, tinigil na niya bisyo niya, naayos niya buhay niya. Ngayon magkakaanak na kami malaking pasalamat niya at pamilya niya kasi hindi ko siya sinukuan. 😊 masarap sa feeling yung ganun sis. Kausapin mo muna, iparealize mo muna na para sakanya din yun at sa baby niyo. Para sa magiging pamilya niyo. 🤗
Magbasa pa