Need advice

Im 19years old and Im 22weeks pregnant, di pa nalalaman ng parents ko na buntis ako. takot pa po kase akong magsabi sa kanila. ano po bang dapat kung gawin? #pregnancy

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sabihin mo na sa parents mo te .. naramdaman ko rin yang naramdaman mo . kaso ako kasi di ako nag sabi sa kanila kasi ako mismo diko pa alam sa sarili ko na buntis ako . hanggang sa nakakaramdam na ko ng pananakit ng tyan sinamahan pa ko ni mama mag pacheck up kaso inabutan kami ng cut off kaya di pa namin nalaman . hanggang sa nahimatay ako tas yun tinanong nya ko kung buntis daw ako . e diko alam isasagot ko kasi diko pa naman talaga alam . hanggang sa yun na nga 8weeks palang nalaman nya na mismo tas pinalayas nya ko . pero ngayon okay na kami . nagsorry sya sakin kahit ako talaga yung mali . patunay lang yun na di talaga kayang tiisin ng magulang ang anak . ngayon nagsasama na kami ng partner ko simula nung pinalayas ako sa bahay😂 30weeks preggy here .. kaya ikaw te sabihin mo na sa parents mo . gagaan pakiramdam mo once na masabi mo na sa kanila kasi wala ka ng tinatago . pakatatag ka lang . tanggapin mo kung ano sasabihin o gagawin nila sayo . magiging okay din ang lahat..

Magbasa pa
VIP Member

ganto din case kopo im also 19 years old now and 36 weeks and 5 days pregnant almost 9 months nren at manganganak na, sa una po talaga mahirap dahil iisipin po naten ung sasabihin saten magiging reaksyon ng family both sides and kung kaya naba naten so far nalman ng parents ko nun is 3weeks palang umamin nako first kausapin mo muna ung partner mo then talk to your mother dahil yan ang unang makakaintindi kase mama yan sila and napagdaanan din nilang mabuntis then your mothher will gonna talk to your father para d masyado mabigla at paunti unti matatanggap din nila yan soon and blessing po yan momshie and wag po kayo mag paka istress nakksama un s baby pahabol po ... naisip kong ipalaglag si baby just for myself, career, reputation pero d ko ginawa and wag nio din pong gagawin its better to be a young mother than a murderer Goodluck po sainio ng bby nio kaya nio po yan 😊

Magbasa pa
VIP Member

Hi momsh. Sabihin nyo na po habang maaga pa at hindi nila malaman sa iba kung may iba mang nakakaalam. Saka ganun po talaga ginawa nyo yan eh dapat ready harapin yung consequences. Same sakin sobrang takot din ako nun pero the minute na nalaman kong buntis ako sinabi ko agad. Nagalit parents ko syempre pero sa una lang yan lilipas din galit nila. Goodluck po momsh! 💪

Magbasa pa

masmabuti na magsabi ka sa kanila kesa sa iba pa nila malaman.. sigurado magagalit sila lalo nat bata ka pa. pero eventually papatawarin ka rin. lalo na kapag nakita at makarga na nila ang apo nila.. humingi ka ng sorry.. masmabuting alam nila ng sa ganoon ay magabayan ka nila sa pagbubuntis mo.. huwag mo rin kalimutang magdasal.

Magbasa pa
VIP Member

Sabihin mo na mamsh. Mas maganda na alam nila takot ka man o hindi. No choice ka. Lalo na bata kapa. Kaylangan mo ng pag aalaga nila. Tatanggapin nila yan sis. Sa una lang sila galit pero kapag lumabas na si baby mas mamahalin nila yan keysa sayo swear.

Super Mum

Communicate with your parents, sa una naman talaga possible na magalit sila sayo or may sabihin pero you need to tell them pa rin so they can also guide you and help you with your pregnancy 🙂

VIP Member

find the courage to tell them face to face. expect mo na magagalit sila since bata ka pa but in the end papatawarin ka naman nila and definitely tatanggapin ka pa rin nila and magiging baby mo.

Sabihin mo, wag kang matakot sa magiging reaksyon nila dahil blessing ang mga baby na dumadating sa pamilya. Laban💪🏼

Super Mum

Tingin ko mas maganda magsabi ka na sa parents mo.. Kaysa malaman pa nila sa iba😊

be strong. anjan na yan. panindigan mo na lang wala namang kasalanan yung baby mo.