Pakitunguhan ang hipag

Paano kaya pakitunguhan ang hipag? nahihirapan kasi aq lalo na sa pagpapalaki ng mga anak q, ung dapat na rules naming mag asawa nabibreak dahil lang sa hipag q πŸ˜” madalas di ko na lang siya kinakausap, pag kinakausap q kasi lahat alam nya, pag di mo sinunod magagalit pa, then pag galit sya namamagsak hindi sabihin kung anong problema, matandang dalaga kasi 50+ naπŸ˜” PWD pa.naaawa aq sa kanya kaso ung asta nya kasi, na pamamahay q pero ramdam q ung feeling nya sya ang dapat masunod sa pamamahay ko, since 2018 namin sya nakasam dahil online buseness kami nagpahanap kami sa kanya ng kasamahan pero nagclaim sya,na sya na raw, then nagsimula na nung napansin q almost 5x sa maghapon pinapadede nya ung panganay 3 y/o at oangalawa qng anak na 2y/o palang nun.kinausap q sya nun, ang lagi nyang sinasabi na humingi raw, then nabuntis nanaman aq nung 2019, papauwiin na sana namin para maiwasan na nga ung samaan ng loob, pero nagkataon naubusan kami, kasi puro gulo na lang sa bahay nahihirapan si mr q nun magbalanse sa sitwasyon namin, dahil nga ang ate nya, then last yr naglock down, before that nakauwi kami sa probinsya ng mga anak q,pero naiwan sila sa pasig na magkapatid, nung pagbalik namin dito ng january ayun na sya, iba na, mas tumapang sya, mas feeling nya sya ang mamuno sa bahay, ultinong mga gamit q, hindi q magamit, ung tipong ikaw ang may pamamahay pero ikaw tong mag aadjust lagi,hanggang sa napagod na q, hnd q na talaga sya pinapansin, dahil nagsawa na q sa kababagsak nya ng pintuan, naisip q na wala ba syang hiya, eh nangungupahan lang kami.πŸ˜” then eto nanaman nabuntis nanaman aq, nahihirapan talaga aqng makitungo sa kanya. mahirap pa may sakit aq hyperthyroidism, nagplano kami ni mr ang kaso calendar ginagamit namin, takot kasi aq sa mga iud at inject, bawal naman aq sa pills dahil sa sakit q. gusto q na talaga syang umuwi ang kaso eto nanaman gcq, at ayaw nya pang umuwi dahil ayaw nya magpaswabtest baka raw mapaositove sya. pasensya na po, napahaba ang kwento ko, sana maunawaan nyo po ako.salamat po sa mga mag aadvice,at sa manghuhusga nawa'y gabayan po kayo.#pleasehelp #advicepls #pregnancy

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hello po mommy. good job po sa pag open, sana bumuti po pakiramdam niyo. wala naman po masama na nagsasabi kayo ng saloobin niyo lalo't anak niyo po ang pinag uusapan. ito pong mga sasabihin ko ay ayon lang po sa nabasa ko dito. kung may mali man po ako pakitama nalang po ako. naniniwala naman po ako at sure akong kayo din po na walang masama hanggang sa kaibituran. sa tingin ko po dahil po sa edad at sa kapansanan. ayaw po ng hipag ninyo yung pakiramdam na pabigat siya sa bahay. alam ko naman po na sinusubukan niyo po na wag iparamdam ayon sa kwento niyo, pero yung nararamdaman niya po ay nag uugat sa sarili niya pong naiisip na thoughts. hindi po tayo completely responsible sa kung ano ang reaction ng kausap natin lalo na kung nag iingat naman po tayo gaya ng sinubukan niyo pong gawin. ramdam ko naman po mommy na nagtry talaga kayo. kung ate niya po iyon, may tyansa po talaga na ganyan siyang kikilos nasanay po kasi siya na siya ang sinusunod ng mister niyo. ang tingin niya po sa inyo ay kung paano niya po tignan ang mister mo po. para sa akin po, pagbukod po talaga ang solusyon. kung hindi po siya aalis sa bahay, kayo nalang po umalis. kung hindi niyo po siya maiwan dahil nga po wala siyang source of income, kailangan niyo pong magusap kayong tatlo, ikaw at si mister at si ateng hipag po. mas maganda po kung kalmado po kayong lahat at ilahad niyo po lahat ng sama ng loob, kung pwede iwasan niyo po muna na makita kayo ng mga bata habang nag uusap. kailangan po kayong tatlo lang para mas magkaintindihan po kayo. mommy, wala po masama kung sasabihin niyo yung nararamdaman niyo kasi opo, mas bata kayo sa mata niya, pero tao din po kayo. kung hindi man po kayang magrespetuhan bilang magkapatid, at least bilang mga tao nalang po. kumbaga yung paano po makisalamuha sa di kakilala. may respeto, walang sakupan. iexplain niyo po na tirahan niyo rin ang tirahan niya. ang mister niyo pagod din po sa work kaya intindihin din po natin siya pero kailangan po nandun siya kasi siya po ang kadugo ni hipag. hindi po para magkampihan. hindi po masamang tao ang hipag niyo, nasasaktan lang din po siya sa sitwasyon ninyo kasi pakiramdam niya wala siyang silbi bilang matanda at pwd pa. mommy last na po, mag family planning po kayo please para po sa mga bata. kahit di na po para sa inyo kahit para nalang po sa mga bata para matutukan niyo po yung memories na magkakasama kayo. magtanong po kayo sa pinakamalapit na health center para sa mga choices na meron kayo bukod sa pills. ingat kayo palagi mommy.

Magbasa pa