.....
Paano ba ko hihingi ng sorry sa mama ko. Sa nagawa kung kasalanan? 2018 nag makipagtanan ako hindi kasi tanggap ng nanay ko yung bf ko nun.. single mom din ako at alam nman ng bf ko na may anak ako sa pagkadalaga,. Yung anak ko nakila mama pero di nman ako nagkukulang sa kanya pag may time ako nakikipagkita ako sa kanya ng patago at di rin nman nakukulang sa financial.. kay mama na lang talaga ako hindi pa ok. Ok na ko sa papa ko sa mga kapatid ko pero kay mama parang hirap na hirap akong makipag ayus.. kahit ilang ulit ng sinasabi sakin ng ate at papa ko na kausapin na namin si mama at humingi ng sorry pero di pa nman magawa nandun yung takot sa mga sasabihin at pwede nyang gawin samin.. ang tanging nasa isip kuna lang hindi pa siguro ito yung tamang panahon para magkaharap kami ng mama ko...