byenan na pakialamera

Pa voice out mga momsh!, napakahirap malagay sa sitwasyon na lahat ng kilos pinapakialaman ng byenan, ultimo kung ano susuotin ng baby ko dapat ganito ganyan porke sya may bili mga gamit ng baby ko (wala kasi work asawa ko mula nung nabuntis ako e), ang hirap sumagot hnd ko kasi ugali makipagtalo sa mga walang kwentang kausap haha pero totoo palagi magaling byenan ko gusto nya sya lang palagi tama, minsan naisip ko kung lumayas kaya kami ng apo nya para matauhan naman sya, pakiramdam ko kasi wala ako karapatan sa anak ko pano pa kapag habang lumalaki anak ko baka ma spoiled nya lang. Ayoko mangyari yun. Pati sa pagpapakain sa baby ko sya nagdedecide 6months na baby ko pero marunong ako mag alaga ng baby dahil panganay ako sa 7 magkakapatid kami. Kapag sinasabi ko sa asawa ko magbukod na lang kami ayaw nya nagagalit lang sya sakin kasi nag iisa na lang dw magulang nya iiwan nya pa at nag iisang anak lang din kasi sya. Nasa huli talaga pagsisisi :( Enlighten me mga momsh hnd ko talaga alam gagawin ko :(

37 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pero mali ata yun sahod ng asawa mo nasa nanay nya. D pde un. Pdeng asawa mo mag hawak ng sahod nya or ikaw. Kasi kung sa nanay nya ibbgay.. kamo sino ba asawa mo? Pag ok na ang mundom visit visit kayo minsan sa side mo. Sama mo asawa mo.

Magbasa pa

Kausapin mo mabuti byenan mo. Nakakainis, yes, pero nauunawaan ko rin asawa mo. Mag isa na lang talaga yong matanda kasi mahirap naman iwan. Hindi mo naman kailangang sagutin ng pabalang eh para di kayo magkasagutan. Malumanay na salita lang

VIP Member

Momsh ikaw ang nanay dapat ikaw ang nasusunod kung ano dapat para sa anak mo. Jusko pati sa pagkain ng baby nyo pinapakialaman nya. Actually, ganyan din ang monster in law ko πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ pero di sya umuubra saken dinededma ko lang sya.

5y ago

Kaya dedma lang din ng nilayasan ko sila. Hahaha

Feeling ko entitled ang MIL mo kasi sya pala gumagastos sainyo. Kung ayaw mong pakielaman ka then kausapon mo sya kaso sa sitwasyon nyo na no work ang asawa mo mahirap yan bka sumbatan pa kayo. Mainam na bumukod tlaga kapah nag asawa.

Mahirap magpayo ng tama kasi po ay one-sided. Binasa ko mga reply mo at parang ang laki ng inis mo po kay byenan. Sabi ng pari na nagtrending. Mahalin ang inlaws dahil sila ay magulang mo na rin simula ng tinanggap mo anak nila. 😊

5y ago

Masaklap pa iniwan ko mga magulang ko sa sitwasyon na walang wala, Kaya minsan nagtatalo kami ng asawa ko kapag nag aabot ako sa magulang ko.

Di mo maiiwasan na pakialaman kayo ng byenan mo dahil nakikitira lang kayo at cya ang gumagastos sa inyo. Kung ayaw nyo makisama at mapakialaman bumukod kayo at tumayo sa sarili nyong mga paa

feel na feel kita sis kse ako ngayon buntis ako e nangengealam ren saken lalo na pag asa work boyfriend ko dame nyang sinasabe hirap gumalaw kse bawat kilos mo pakekealaman ka . -_- hays.

Parehas tayo mamsh. Ganyan na tlga at. Nakakainis nga e. Lahat nalang pinapakealaman. Wala na ba tayong marapatang mga ina na magdesisyon para sa mg a anak natin. Hasy

Napaka swerte nyu po at kahit walang work ung asawa nyu ay nasusustentuhan ang pangangailangan nyu ng byenan mo..makisama ka nlg po muna..as long as hnd po kayu ginugutom...

5y ago

Oo maswerte nga po ako pero sa kabilang banda meron padin negative eh. Mahirap na po ipaliwanag kung kayo nasa sitwasyon ko baka ma stress dn kayo

Bumukod kayo. Di niyo need magulang ng hubby mo. Tatahimik buhay mo pag kayo kayo lang nasa bahay... hayaan mo asawa mo. Matanda na magulang niya