Pa Rant Po.

Pa vent out lang ng sama ng loob mga mii. Naiinis kase ako e. Last June 06, na confine ako kase nag preterm labor ako 31 weeks. August 06 pa due date ko, so hindi pa ko pwede manganak. Nag pa confine po ako para maagapan si bby, sa ngayon okay at safe na kami ng bby ko. Pero eto kasw mga ma, Yung pamilya ng tatay ng anak ko wala na nga naitulong sa aken, sa pag hospital ko. Aba. Ni threat pa kami ng mama ko na gagastusan daw nila yung anak ko pero kukunin daw nila yung anak ko saken. Sobrang sama ng loob ko mga mah, di nila inintindi sitwasyon ko. Binibigyan pako ng sama ng loob. Yung tatay ng anak ko pumunta naman sya sa ospital. Nagbigay sya 2400, pero mga mii. Kilala ko kase ugali nyan e. Baka dumating yung time isumbat nya saken yang dalawang libo na yan. Gusto kase ng family nya na mag sama kami. E toxic nga po si lalake. Lagi kami nag aaway. Kasalanan ko ba kung ayaw ko muna umalis sa puder ng mama ko. Alam ko kase na mag aaway at mag aaway lang kami. Masisiraan lang ako ng baet pag sya kasama ko. Bat daw gagastos yung lalake saken e ayaw ko naman daw sumama sa kanya. Required ba yun mga mii? Na bago nya supportahan anak ko dapat magkasama muna kame? Apaka baluktot kase ng pag iisip nila. Sobrang nakakainis. Tapos eto pa. Chat nila si mama tanong nila Kamusta daw ako. Nakapanganak na daw ba? Nakakainsulto mii. Alam nila wala pa sa hustong bwan yung tyan ko tapos tatanong sila ganon? Single mom ako. Wala din ama yung panganay ko. Pero sa totoo lang. Mas mabuti nang walang ama mga anak ko. Kesa naman ganito. Yung bago ka nila tulungan kelangan may kapalit. May sumbat ka pa maririnig. Ni wala sila tinulong para makalabas ako hospital. Si mama lahat gumawa paraan. Tapos aangkinin nila anak ko? Sa buong pag buntis ko 2-3 times lang nakabigay yung tatay ng anak ko. Tig 500 lang. Aanhin ko yun? Kulang pa yun sa vitamins. Ngayong nakapag bigay sya 2k. Nakakatakot lang na baka yun gawin nyang rason para kunin anak ko saken. Ayaw ko man tanggapin. Malaking tulong padin yun kase ang mahal ng mga gamot ko.. Advice naman jan mga mii. Nakakastress talaga sila e. Ayaw ko ipagdamot anak ko pero binibigyan nila ako ng rason. Nakakainis talaga.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Hi mah. Una sa lahat, kalma ka. Baka mafeel ni baby yung emotions mo and ma-sad siya. Pangalawa, kahit anong threat ang gawin nila, di nila pwedeng kunin ang bata sayo. Di naman talaga required na mag-sama kayo. Hindi lang talaga nila naiintindihan yung gusto mo kasi iba ang gusto nila mangyari. Sa ngayon, tanggapin mo yung tulong nung lalaki, kung isumbat niya, siya na may problema don. Bakit niya isusumbat sayo yung tulong na kailangan mo bilang ina ng magiging anak din niya? Pahinga ka mommy. Wag mo stressin sarili mo at baka makasama sa inyo ni baby. Stay positive and keep fighting ❤️

Magbasa pa
2y ago

Always mah 🤗 aja!

Kahit po san kayo magpunta di nila pwede kunin ang baby sayo. Ikaw po may karapatan dyan kahit ipakorte pa nila yan. And yung 2k na baka gamitin nila para makuha anak mo? No. Di po yun basehan. Obligasyon po ng tatay na bigyan yung baby mo. Ilaban mo po ang karapatan mo.