uncle na manyak
Pa vent out lang mga mommy's ganito kasi yun,ung tito ko na kapatid ng mama ko may family na ngayon at may teenager na sya anak na Babae sobra pasaway ng pinsan ko na un,one night nag away away daw po sa bahay nila dahil kinuha ng Tito ko cp ng anak nya grounded kumbaga at dun na po lumbas ang issue na sinabi ng anak nya mga kababuyang ginawa ng Tito ko sakanya kahit nung grade 2 plang sya.. Tumawag Tito ko sa nanay ko nung gabing yun at sinabi na pinagbibintangan sya ng anak nyang ginalaw nya Ito.. nanahimik lang ako mga mommy's sa tingin ko po di nman siguro gagawa ng issue ung pinsan ko dahil ang totoo po until now dinadala ko padin sa srili ko ang trauma about sa Tito ko yes po Bata pa lang ako minolestya na nya ako. Binaboy ?? one time lng nman nangyari dahil umalis na sya nun sa lugar namin. Hinding hindi ko mkklimutan Yun.. ung nanay ko sa pinsan ko pa nagalit at hindi nya pinaniwalaan ung sinsbe lagi nya dinedefend kapatid nya.. ako nman po tahimik Lang.. should I say it to my mom po ba o wag na lang ako mkisali about sa issue na un.. ? bumalik na naman po kasi sa alaala ko e.