Stress
Pa share lang po ako mga mommy ?. Ako lang ba yung na ee.stress sa kapatid ng partner nila. Yung tipong mas gugustohin niyo pang mag isa sa bahay keysa sa may kasama di naman masyado maaasahan ?. Parang di marunong magkusa. Lahat dapat iutos mo pa bago kumilos. Minsan yung utos mo gawa mo. Gabi2 nagpupuyat. Kaya ako minsan imbes na inaantok na nawawala yung antok. Kasi nasisilaw ako sa tv. Matagal pang magising sa umuga. Minsan magigising nga ng maaga pagkapasok ng kuya niya matutulig ulit. Imbes na makapaglinis ako di ko na magawa kasi tulog siya. Nakakahiya naman istorbuhin kasi puyat. Hindi pa marunong tumingin ng malinis o madumi. Kakawalis ko lang siya naman tong nagkakalat. Ang hilig hilig mag imbak ng basura kung saan saan. Ei may basurahan naman malapit sa knya. Ngayon di ko magawa gusto kung gawin kasi nakahilata tulog. Yung mga labahan namin kung tutuusin siya na dapat maglaba kasi malaki na tiyan ko di ko na kaya maglaba at magbuhat. Pero wala lang sa knya. Kung di utusan ng kuya niya na labhan, di niya din lalabhan. Haysssss . Na eestress na ako sa knya. Pero pag andito naman kuya niya. Di naman siya ganun. Ay ewan ko ba.