Mental Health at stress
Pa release po ng saloobin didto, sobrang bigat po kasi. I'd appreciate your opinions and advice po. Sobrang bigat po ng saloobin ko, nakakasakal. O baka oversensitive lang po ako dahil buntis. I'm on my 36th week na po. May 5 year-old po ako, first born, girl. Lately po, I'm always frustrated at nauubos pasensya ko how to deal with her. Halos lahat ng daily routine nya, she defies to do. Halos lahat ng instruction sinasagot nya "ayaw ko". From eating, to taking a bath, to dressing up, etc. Halos lahat ng kilos. I have been very patient na kausapin sya calmly which makes her sometimes obey. But most of the time walang epekto, nag "mumoktol" lang sya. Maraming times na akong umiyak na lang kasi di ko na alam paano ko sya i handle. Kulang na lang paluin ko sya. Nandyan naman mama ko to help kasi pinakiusapan ko na mag stay muna sa amin dahil malapit na akong manganak. Tumutulong po sya sa gawaing bahay at sa paghatid-sundo sa first born ko sa kinder school. Kaso lang po, na e-stress din po ako makinig how she deals with my daughter kasi she is a "negative" talker. I am aware because I grew up in my family na "huwag" at "hindi" ang bukambibig ng mga magulang. Na e-e-stress po ako kasi I am trying to set my daughter's mind to listen to positive things para ma overcome nya ang pagiging defiant. But because of my mama's style of dealing with her, feeling ko na ca-cancel ang effort ko. Sinabihan ko naman po ang mama ko na iwasan ang mag sabi palagi ng "huwag" sa pag instruct kay daughter, but since habit nya, yan talaga bukambibig nya. Sa husband ko naman, nagtatrabaho sya. Pero kung nasa bahay, selfon lang po lage kaharap hanggang madaling araw. Tapos palaging nagsasabing pagod sya. I always tell him na matulog nang maaga, pero he automatically defends his habit kasi nga daw hindi sya makatulog nang maaga kahit pilitin nya. I am a stay-at-home mom, but nagtatrabaho din ako freelance. Ang bigat lang ng situation ko kasi sa financial responsibility, ako ang breadwinner. A portion of my husband's salary binibigay nya sa akin, but it's very little compared to our monthly expenses. As a result, pressured ako masyado to sustain the family needs. My work has potential earnings kasi basi sa productivity ko ang income, so kaya kung i-cover ang financial lacking ng asawa ko. Pero sa situation ko po, wala po akong peace of mind, and so ang hirap pong ma achieve ang needed productivity. So na e-stress nanaman po ako pano ko icover ang financial needs namin. Lately po, na diagnose na IUGR ang baby ko. It made me feel guilty dahil parang ang stressed ko while pregnant. I'm praying makahabol pa po sya sa development nya. I was diagnosed with anxiety disorder in 2020 and this year lang ako nagpa consult sa psychiatrist for professional help. Sabi nya I really have anxiety and depression, though I have successfully managed my anxiety symptoms (hindi na ako nagha hyperventilate). Hindi po ako open sa friends or family ko sa feelings ko. Though they know bits of what I'm going through, but it's not easy for me to talk my emotions. Kaya po, pa release na lang po dito. Salamat po if may maipapayo po kayo.