Nakakawala na ng pag-asa mabuntis ulit after ma miscarriage last year๐Ÿ˜ญ

Pa rants lang po ng sakit ng nararamdaman ko.. sobrang bigat at sakit lang po sa loob ko na every month na magkaka mens ako. Nag-expect ako monthly na ma buntis na. Umiinom ako ng gamot, nagpapaalaga sa OB pero wala pa rin since nakunan ako last year. Halos mag 1year na akong makunan. Umaasa ako na ibabalik samin iyon ulit ni Lord pero wala pa rin๐Ÿ˜ญ ang sakit lang. 32yrs old na ako, nanganganib na edad ko para mabuntis pa. Pag may nakikita o nababalitaan akong buntis specially kung mga kilala ko sobrang inggit ko. Sobrang lungkot ko para sa sarili ko๐Ÿ˜ญ Lord sana po ipagkaloob nyo na po yung pinakamimithi namin mag asawa๐Ÿ™๐Ÿ™ Sana po Lord pagkalooban nyo na po kami ng anak๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Nakunan din ako dati sis. After a yr nabuntis ulit ako, kasama ko na si baby ngayon. Just want to say na there's hope after a miscarriage. Tiwala lang kay Lord. At syempre alagaan ang sarili. Very possible po ang normal at healthy pregnancy after a miscarriage. Sa tamang panahon ni Lord. 32 na din ako nabuntis ulit. Diabetic at hypertensive pa. Pero pinagkalooban pa din. Pag alam ni Lord na ready ka na talaga, ibibigay nya yan sayo.

Magbasa pa