Bakit ganon nag positive naman sa OPk pero di pa rin na buntis?😭

Hi mga mhie. Pahingi naman ng encouragement😭 feeling ko hopeless na ako mabuntis pa😭 ang sakit lang sa pakiramdam na umasa ako na mabubuntis na this month. Last Feb.03 kasi nag positive ako sa OPK ngayon before my ovulation nag love making na kami ng asawa ko hanggang sa mag positve nga ako sa OPk at after pa mag positive. Tapos bigla na lang ako nag mens nong Feb.20-21. 2days lang pero malakas ang mens ko. Sobrang lungkot ko kasi gustong-gusto ko na ma buntis😭🙏 Any tips mommy, specially sa mga nakaranas nito.. salamat po.

29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

alam mo mi ganyan ako last2021 kasi gusto ko nang mabuntis non nawalan na ako ng pa asa non, sabi ng asawa ko tiwala lang sa taas, last january to march 2021 mi di ako niregla akal namin ng asawa ko non buntis ako kaya nag pt ako, nakailang pt na ako negative pa din, at nagpahilot na din ako mi sabi nonganghihilot buntis daw ako kaya ang saya namin ng asawa ko non, pero nong pumunta kami sa center binigyan ako ng rquest for transv, pero di ako buntis base sa result mi meron akong pycos😔, kaya nawalan na naman kami ng pag asa non, dumating sa point na naisip ko baka isa samin may problema o kaya ang asawa ko, pero isiniwalang bahala ko nalang lahat mi, dahil ayoko ma stress non, nilibang ko sarili ko para di ako mag isip ng kung ano ano, panay pray ako that time, sabi ko god bakit po ganun kung kailan gusto kopo mabuntis eh di po ako mabuntis buntis, bakit po yong iba ayaw mabuntis pero nabuntis po sila, yong iba din after nila ilabas ang baby nila tinatapon lang nila na parang basura, umiyak ako non mi minsan gabi gabi pa, pero alam mo ba mi last 2022 want na namin magka anak, nag diet ako non kasi nga may pycos ako base sa result, at nagself massage ako non mi after namin mag do ng asawa ko na nakataas mga paa ko sa pader at nilagyan kong unan sa may balakang ko, at ginawa ko din bago matulog sa gabi at pagising din sa umaga,sabay pray🙏 wala yatang 2months ako nagwork out non mi, irregular din mens ko, so june 5 2022 niregla ako mi sobrang sakit as in namilipit sa sakit umiyak na nga ako non, yun pala lastmens ko na non, tas july at august di ako niregla na so plano ko uminom ng paragis para pamparegla,, pero inisip ko muna na bumili ng pt sabi ko non wala namang masama kong susubukan ko mag pt, bumili ako ng pt august 13 yun eh diko makalimutan yun, ayun na nga dalawang pt ginamit ko at possitive ang dalawa so masaya ako na iwan diko maipaliwanag, dumating sa point na kung sino sino chinat ko at tinanong ko kung posible bang buntis ako, pero ang mga reply nila mi is puro possitive, at that time nasa work ang asawa ko sinend ko sa kanya ang result sabi nya malabo daw ang line, ayaw nya maniwala non syempre ako din di pa ako naniwala non kasi ayoko umasa na naman kami, sinend ko din sa mother-in-law ko non, kaya sabi nya punta ako nang ob para ma confirm, so august 20 pumunta kami ng hipag ko sinamahan ako ng hipag ko, so ayun na nga nag pt ako ulit klarong klaroo na yong mga line nya, chineck ng ob ang heartbeat non kung meron, so ayun na nga sobra lakas ng heartbeat ni baby confirm buntis ako mi, nerisitahan ako ng vitamins non ng ob pero di pa din naniwala ang asawa ko non, binigyan ako ng request ng ob for ultrasound sa pelvic non mga august 27 na ako nagpa ultrasound at kasama ko asawa ko non para malaman din namin kung ilang weeks na, ayun na nga pagdating ng result pinakita ko sa asawa ko ayun naluha sya, sayang nga non nong na ultrasound ako wala ako cp dapat vinedio ko para ipakita sa asawa ko yong monitor, 11weeks and 5days na pala si baby that time, sobrang saya namin non, ngayon kabuwanan kona din 37weeks and 4days na si baby❤️ pray lang always mi wag mawala ng pag asa, kasi ibibigay din yan sa taas☝️🙏❤️

Magbasa pa

The less kayo napepressure at nagmamadali, the more dumadating ang blessing. Also magpaalaga po kayo sa OB para safe and sure po kayo. Akala last yr may PCOS ako so worried ako kako 29 na ako tapos magkakaPCOS pa ako, it turned out na hindi naman and tinuturuan pa ako ni OB if kailan sure na mabubuo talaga si baby nasa 12 to 14 days mula 1st day ng period yun daw po ang sure na sure na mabubuo si baby as per one of my OB. Dagdag pressure at frustration, lalo po kayo masistress at stress po is nakakadagdag sa possibility na hindi makabuo. Basta po magdasal at ibibigay naman po ni Lord sa tamang oras. Enjoy nyo po muna ang oras nyo ni hubby, darating po na magugulat kayo binigay na ni Lord yung blessing sa inyo. Wag po mawalan ng pag asa. Ingatan din po ang sarili at maging healthy.

Magbasa pa

Share ko lang sakin mii. Nakunan ako last May 2022 sa sobrang stress sa work. Every month umaasa ako na mabuntis ulit kasi gusto na namin magka-baby. Iniinum ko pa din ung Quatrofol na advise ni OB. Then, hindi ko na inisip na magbuntis ulit agad kasi napapraning ako, sabi ko si Lord na bahala. Sept. 2022, Nagpahilot ako (kung naniniwala ka) kasi mababa din pala ang matris ko kaya di ako nabubuntis. Oct 2022, delayed na ang mens ko ng 1week. Hindi ko pa din inisip na buntis ba ako kasi nag iba cycle ko mula nakunan ako. But naisip namin bumili ni Hubby ng PT at ayun, am pregnant! 23weeks na ako ngayon. Mag pray ka lang kay Lord, ibibigay din sainyo ng di mo ini-expect 😊 wag ka masyado magpaka stress.

Magbasa pa
2y ago

Nag pray kay God. Nagpahilot kasi mababa ang matris ko. Vitamins na din. Track mo din ovulation day mo. Gamit ko na app is Meet you. Hindi ako nagpaka stress, nag travel kami ni hubby at un nabuntis na ako ulit.

Don’t feel hopeless mi. Ako din pinagdaaanan ko ma pressure at ma frustrate kasi gustong gusto ko na mabuntis. Kada mag kaka period ako umiiyak ako kasi nadidisappoint ako. Then sa 1st pregnancy ko ectopic pregnancy happened. So mas doble un pressure,frustrations kasama pa ang na depress ako. We prayed, nag sasayaw pa kami sa Obando Church😊. 1year kami nag stop magtry Kasi pinagpahinga kami ng OB ko. Inenjoy Namin ng husband ko magtravel, kumain,un buhay na mag asawa. Then blessing came, last sept 2022 nalaman ko mag 2mos pregnant na pala ko. And this coming april manganganak nako. 😊. May right time si Lord, you have to trust him and be patience. Pagkakalooban Din kayo gaya namin😊🙏🏻

Magbasa pa
VIP Member

hi momsh wag ka po mastress darating din po na magbubuntis ka din . Matagal na din kami ng partner ko and like you never din ako nagbuntis malaking factor po yung stress mi. In my case nagpaalaga ako sa OB then pinagtake ako ng folic acid, meron din ako app na ginamit to track my menstrual period and ovulation then Ininjoy ko lng din. Di ko iniisip or pine-pressure sarili ko na need ko na magbuntis kasi if I do lalo lang sya magca-caused ng stress. And ayun nga di ko rin ine-expect after 6 yrs of trying meron na kami baby ngayon and she is now 3 month old. ☺️ I hope it can help

Magbasa pa

relax, wag mapressure the more you want, the more na di binibigay kasi nakakaramdam yung katawan mo ng stress at pressure. ang stress nakakahina ng fertility. Go with the flow. enjoy lang kayo ng husband mo, di kayo nagsesex for the sake na makabuo lang but to enjoy each other.. kung di pa kayo nagapaalaga, pwedeng magseek ng help sa Dr. baka kasi may di okay sayo o sa asawa mo. sperm count or hormones mo, etc. maraming reasons. also, wait sa timing ni Lord. kasi kahit gusto mo kung di pa sa gusto ni Lord, ganun din po.

Magbasa pa
2y ago

True mi yung last, 1st baby ko umabot ng 8 months sa womb ko. Dun na sya nawalan ng heartbeat. Sobrang sakit. CS pa ako. So 1-2 yrs pa ang hihintayin para makabuo ulit. Hirap din ako kasi once in a year lang umuwi si hubby kailangan that month makabuo.. Wait for God's perfect timing..

Even if nag-do kayo on your fertile window, hindi naman po 100% na mabubuntis. May mga factors din po to consider like hormonal problems, low sperm count, unhealthy sperm, or stress. If nagpa-check up po kayo and everything's normal, just continue living a healthy lifestyle. If regular cycle po kayo, try niyo din po kaya to count your cycle manually (calendar method or apps like Flo), instead of relying sa ovulation kits? Don't pressure yourself. I know it's frustrating po and valid po ung nararamdaman niyo, pero tiwala and patience lang po ☺ Baby dust for you ✨

Magbasa pa

wag kang mag kape.. tapos dapat puro gulay at fish lang inuulam mo... umiwas sa mga karne muna.. then gabi gabi akong may unan sa balakang para tumaas ang matress.. kasi mababa... baka mababa ang iyo... dati nag try ako magpahilot.. naka 2x ako kaso walang epek.. kaya ginawa ko... lagi na lang may unan balakang ko as in pa slant.. nakaka ngalay pero nag tiis ako... 1month lng pag uunan sa balakang nabuntis ako.. pero yung gulay at fish mga 2 to 3months akong ganon tapos iwas sa kape.. milo na lang pamalit ko

Magbasa pa
TapFluencer

Mamshie, meron pong perfect time for everything. God has a reason why he is not yet allowing you to be pregnant. Marami siyang rason but let him drive your life. Trust him. He orchestrate everything. Always remember that God is listening to every prayers and he always answer. Either a YES, NO, LATER minsan hindi natin napapansin ung sagot niya kasi we are focus dun sa sagot na gusto natin. Trust him kasi siya ang nakakaalam sa makakabuti satin.

Magbasa pa

malapit na po yan ☺️ kapag ang cycle ng mens natin paunti na ng paunti ng days ibig sabihin po nag reready na po ang body nyo for pregnant me po kase january 23 nag ka period isang buong araw lang then malakas talaga tapos feb nakakaramdam na ng pananakit ng boobs na akala ko mag kakaperiod ulit ako until march 1 nag pt ako and positive po agad ☺️ wag pong mawalan ng pag asa pag po para sainyo para sainyo po talaga yun ☺️

Magbasa pa
Related Articles