stress

Pa help nman po na stress na po kc ako hnd ko na kc alam gagawin sa anak ko na 8months na d natatanggal ubo..hnd nman ganun kalala ung ubo nya kaso naririnig ko sa baga..nabigyan na xa ngbantibiotic ng pedia nya kaso after 7 days na gamutan gumaling tapos bumalik ulit...ang mahal pa nman ng reseta sa knya na 900+ yun..sabi ng mga kapitbahay namin dto na mga nanay ibahin ko daw ng doctor baka daw hnd hiyang..ang naisip ko nman kung iibahin ko pano na yung vaccine nya iba na magbibigay? Salamat po

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa atin mga mommy curious tau sa mga nararamdaman at sakit ng ating mga anak....sabi mo nag antibiotic na si baby ml na 8 months pa lang at okay naman siya kaso nga lang bumalik at sabi mo pa hindi malala ang ubo niya...wag mo siyang sanayin sa antibiotic ang baby mo mommy kasi ang ating katawan ay may natural na antibodies na lalaban sa mga sakit ang nid po nating gawin ay increase natun po ang vitamins and minerals sa ating katawan...painumin mo o pakainin siya ng mga prutas na mayaman sa vitamin c mommy...tama po ung sabi ng iba na water theraphy at herbal...mommy try mo po sa kanya ung pure lemon juice na may halong pure o wild honeybee syrup....breastfeeding po ba siya mommy? Nakakatulong po kasi ang breastfeeding para hindi po sakitin mga anak natin...im a mommy of 4 kids and all of them are breastfeed and sa awa ng Diyos since pinanganak ko sila never po silang na admit hanngang ngaun na teen agers na sila...once in their life ay hindi sila naconfine o na admit manlang sa hospital kasi hindi po sila sakitin...normal po sa mga bata ang ubo at sipon lalo na pag tag ulan...binibigay ko sa kanila tama at sustansiyang pagkain....minsan ayaw nilang kumain ng gulay nung bata sila pero pinipilit ko sila at para na din ma introduce ko sa kanila ang mga gulay...hindi po sa pagyayabang pero im sharing what i experienced sa mga kids ko lalo pa at ako lang ang nag aasikaso sa kanila pag may karamdaman sila...hindi ko naman din sinasabi na hindi sila nagkakasakit...normal naman na magkasakit sila pero hindi grabe na aabot pa sa ilang araw sa hospital...salamat po kung nakapagbigay ako ng konting relieve sa iyong stress mam....

Magbasa pa
5y ago

Opo doctor ko po ang nagbawal skn magpa breastfeed..maintenance na po kc ako sa gamot eh!..1tsp po ng lemon at honey? Ihahalo po sa tubig? Gaano po kadaming tubig? At keylan ko po xa papainum at ilang beses po... Kakagaling po lng namin kanina sa pedia sa awa po ng diyos magaling na po si baby wala na pong naririnig sa baga..binibigyan ko po xa ng katas ng malunggay..pang 5 days na po xa nainom..

Try niyopo ilipat ng pedia niya kasi masiyado napong matagal kung ganon minsan iba iba din po kasi talaga hiyang ng mga baby, mmat iba iba rin yung nirerecomend na gamot baka yung gamot din is hindi niya hiyang. Minsan naman kung meron napong naririnig i momonitor within the week at pag dipapo naalis possible iadmit nasiya para yung gamot na mismo sa dextrose nilalagay ang gamitin yung 1stborn kopo kasi hindi tumalab saknya yung mga oral na binigay saknya since mahina baga niya.

Magbasa pa

Just sharing po based on my experienced... sa awa ng Diyos hindi pa naman na admit sa hospital dalawang anak ko dahil sinanay ko sila sa herbal or supplements po... simula po kasi nung nakapag seminar akoa about sa mga medicines kaya hindi na po ako basta² nagpapa inom ng gamot sa mga anak ko 😊 saka simula buntis po ako Spirulina lang po talaga ang gina take ko sa kanila even k now... malulusog naman po sila at hindi gaanong sakitin po 😊Glory to God... 🙏

Magbasa pa
5y ago

Walang anuman mommy God bless 🙏

VIP Member

For me balik mo na lang dun sa dati niyang pedia. Ibig kasi sabihin niyan pwede di tumalab yung antibiotic na una kaya need palitan. Baka kc mas matapang na mikrobyo na meron anak ninyo. Siyempre ang mga duktor hindi agad magbibigay ng matapang na antibiotic. Mahirap din kasi yung doctor hopping. Mas maganda kung meron lang kayong pirming duktor na kilala ang anak ninyo simula una.

Magbasa pa
5y ago

May point din po kayo...for sure ganyan din sasabhin ng asawa ko...

Pwede naman po magpalit ng pedia kung ikagagaling naman ni baby mo po.. Painumin mo po xa ng katas ng malunggay.. More water and hilutin nio po ung likod nia.. Sa vaccines nman ok lang iba iba nman ang vaccines at may list nman yan sa baby book.. Pkita mo lang sa bagong pedia... God bless po mommy..m

Magbasa pa
5y ago

Yun nga po ginagawa ko kasama ng vitamins nya binibigyan ko din po xa ng katas ng malunggay..hanggang keylan ko po ba dapat bigyan xa ng katas ng malunggay?ask ko yung pedia hanggang keylan ko gusto kc herbal nman daw yun..

Ang nakakainis pa po kc lagi sinasabi ng nanay at sa side nya wag ko daw sanayin sa gamot..kapag pinadoctor antibiotic daw at baby pa daw to..sabi ko eh meron na nga ko naririnig antayin ko pa lumala...nasa poder pa kc ako ng nanay ko.

5y ago

Kaya nga po..pandagdag stress kc nanay ko hahaha

Tuloy mo lang na bigyan siya ng vitamins eapecially vit c, zinc, ferrous...may ferrous para sa mga 6 months above may binibigay kami dito sa clinic namin dito sa baguio sa mga 6 months old onwards...

5y ago

Ang vitamins nya po cherrifier at pedcee po

pwede ka naman magpalit ng pedia mommy..alam ko may list naman sa likod ng baby book yung mga vaccine.. si LO 9 days lang yung ubo (7 days nag-antibiotic tapos water therapy pinagawa )

basta me record ka nmn ok lng un.importante dala mo lagi in if magpapalit ka ng dr. ganyan befor ung panganay ko pabalik balik ang ubo pinahilot ko. minsan ok din pahilot

Tiwala lang sa doctor nya momsh! Follow-up kayo sakanya para malaman nya din yun lagay ni baby. May mga instances kasi talaga na kahit sa isang gamutan di nagaling 😊