Mens
Pa help naman po 2mos na po ako nakapanganak via cs, last month po nakabalik na ako sa tamang araw ng regla ko, this month po ganun padin. Ang pinagtataka ko lang po e bakit sobrang dami po ng dugo na lumalabas saakin kada palit ko puno ng puno ang napkin na may kasamang madaming buo buo tapos pulang pula yung dugo simula kahapon 2nd day ng mens ko hanggang ngayon. Ngayon lang po ako nakaranas nito. Natatakot lang po ako kasi nakakaramdam po ako ng pagkahilo at pananakit ng ulo. Baka po may naka experience na ng ganito sainyo. Salamat