Sis, di kita ibabash dahil ganyan ako. Though sa anak ko naalagaan ko naman sya un lang di talaga ako masaya. Ung feeling na inaalagaan mo lang sya dahil responsibilidad mo pero di mo gusto ginagawa mo. Di ko akalain na ganon kahirap maging ina. Kahit na lahat nabibigay ng asawa ko. Wala akong problema financially. Di talaga ako masaya. Kaya sabi ko sa sarili ko ayoko na maganak. Ayoko ng bata. Naririndi ako pag may naririnig ako na naiyak na bata sa mall, sa eroplano, sa restaurant o kung san man. Nagfaflashback lahat ng puyat, pagod, iyak, naiyak ako lalo pag madaling araw iyak ng iyak si baby, natutulala na lang ako, sobrang payat ko din nun kasi nagpapadede ako tapos ako lang magisa dahil nasa abroad lagi asawa ko. Plus di na din kami okay nung time na un kaya sobrang post partum depression naranasan ko. Suicidal na din ako nun.. May babae pala talaga na ayaw maging nanay. At isa ako dun.. Di ko maimagine na ubusin ung sarili ko sa isang bata na nakadepende na sakin habang buhay.. Mahal ko anak ko. Ngayon 8yrs old na sya. Pero last na to. Wala na kong plano maganak. Antay ka lang sis. Tiis ka muna ngayon. Pag lumaki na si baby. Makakaraos ka na. And samahan mo ng prayers. Tibayan mo lang loob mo sis. Lahat ng problema may katapusan.
Anonymous