Ayoko Na po
Pa express lang po ng nararamdaman po Sana maintindihan nyo po dahil Wala eh. Hindi ko na talaga Alam saan at sino pagsasabihan ko ng nararamdaman ko. 24 na po ako at dahil sa pandemic andito lang ako sa bahay with my parents and my 10month old baby. Naging single mom ako dahil choice ko. Ayoko ng magdagdag ng marami pang anak dahil ayoko talaga ng bata bata. I need to fix me to be better. At ngayon na nga gusto ko lang mag isa parati. Nakakaranas na ako ng sakit ng ulo. Hindi ko Alam bakit Wala akong gana kumilos sa buong araw. Talagang ayoko lang makita baby ko baka masaktan ko lang sya. Papaisip nga ako kung pwd bang e foster muna sya fo a meantime para mapagtanto ko talaga ano gusto ko sa buhay. Call me a selfish pero ginawa ko na lahat at sadyang pagod na pagod na talaga ako. Walang nakakaintindi sakin. At yan Ang pinaka masakit na parte sa buhay ko.