9 Replies

VIP Member

hi mommy. yung baby ko po may cleft lip and palate siya. hindi po inadvice sa akin na magpa CAS, hindi ko po sinisi yung OB ko, nung delivery day nalang po namin nalaman kahit po OB ko nagulat. Wala rin po sa lahi namin ang cleft lip and palate. thankful parin ako kasi meron pong foundation na nagrerepair ng mga ganyang case for free. yun nalang ang inisip ko at yung full support ng family ko. naparepair namin yung lip nya 7 months na pero pwede pala earlier pa ngayon po 17 months na sya, hinihintay namin magmeet yung 10 kg bago namin sya ipaschedule for palate repair. i hope this helps po.

TapFluencer

hi mommy! pagka24 weeks po papaCAS na kayo ni ob. dun po malalaman kung may cleft lip si baby. for now po pray lang na mali lang ung tingin ng ob nyo during ultrasound. may mga cases po na nagkakamali ang sonologist. hindi ko po kayo gustong bigyan ng false hopes mommy. pero as much as possible po wag kayo magpastress. surrender it to God anuman ang maging result. stress po ang unang kalaban natin mga buntis lalo na pagdating sa wellbeing ni baby. and make sure po you are eating well and drinking your vitamins. our family will pray for you and your little one.

sa CAS po makikita talaga kung may cleft si baby. real talk lang naman po si doc sa inyo siguro para aware kayo sa possibilities kasi it happened na before. hope and pray na lang po na mag form ng maayos po yung mouth niya. may vlog po si Anne Clutz (anneclutzvlogs) about dyan, meron syang sinabing page sa FB na pwede niyo imessage at hingian ng advise at tulong na din at sabi nya free daw lahat ultimo operation, braces, etc. para sa mga may cleft. icheck niyo po yun kung sakali. halos kakaupload lang nun recently.

better sis magpa CAS ka wait until 24-28bWeeks kasi dun makikita if meron ba tlaga or wala. The sono inform you para aware kayo sa kalagayan ni baby but hopefully hindi tlaga. ang cleft lip is nasa genes po yan maybe sa kani-nunuan nyo po ni hubby. Pwede din due to smoking,obesity, and drinking. Pray lang po at chill muna until makapag CAS po kayo.

maamsh just keep on praying and nothing is impossible with God. May chance pa po yn mamsh hindi pa yan sure maamsh kaya dasal lang at wag ka magpa stress. Inumin mo lng ung mga prenatal vits mo. kapit lang po

Kung wala sa lahi nyo yan mi. Dapat mag take ka ng folic acid sa 1st trimester mo . Kaya nagkakaganyan ang baby dahil kulang sa vitamins. Wagka din magpaka stress tuloy mo lng vitamins mo.

same situation po saken ngayon😔 worried ako kaka antay ng araw ng CAS ko... nagpa CAS na po ba kayo? kamusta po? tama po ba si doc sa unang findings nya or nagkamali po?

last jan.6 ako pinelvic ultrasound... nabanggit ng dra ko na baka may cleft ung baby ko.. kaya ilang days na rin me worried at pray ng pray na sna nagkamali lang sya... sa jan27 inisked nya ko for congenital anomaly scan CAS.. kinakabahan talaga ko😔, nabasa ko post mo same situation saken... haayyy sna talaga nagkamali lang yung ob ko sna normal at healthy c baby😔

hala kinabahan naman ako 😭 wala din kmeng lahi ng cleft lip e..maalaga din naman ako sa kilos, vitamins at foods huhuhuhuh papa cas din ako pag 24 weeks na 😭

Atlis 24weeks po kita na yan, inum ka din lagi vitamins mo

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles