Pa comfort Po mga miieh 😫😫

Pa comfort Po sobrang worry Po Ako .. sa first baby ko Po nagka cleft lip (bungi) Po Siya Wala Naman Po sa lahi namin at sa husband ko Wala din Po .. Peru Wala na Po baby ko namatay na sya .. Kaya gusto gusto talaga Namin ni Mister magka baby ulit ..ngayun na buntis Ako nang 19 weeks and 3 days nag pa check up Ako kanina at nag pa ultrasound Ako at bgla may sinabi SI doc na baka merun na Naman daw na cleft lip Peru Hindi pa daw sya sure kaya habang ino ultrasound Ako para akong himatayin Lalo na baby girl pa baby ko ayoko na magka cleft lip sya .. Sabi ni doc Hindi pa daw sya sure Kasi bungo pa lang daw at Hindi pa totally na form Kasi maliit pa SI baby ..pero ngayun sobra worry ako bakit Kasi nagsabi pa sya na baka merun Nung Inu ultrasound niya Ako 😫 at sinabi niya din bihira daw magka cleft lip magkapatid unless kng MISMO Yung nanay or tatay Ang may cleft lip may posibilidad daw na pwede magkapatid magka cleft lip .. Sinu smae situation Po sakin ... Hindi Ako makatulog . . Mag pa ultrasound daw ako ulit pag malaki na..Peru kinakabahan Ako. . naawa Ako sa baby ko.. 😭 #pleasehelp #advicepls #pregnancy

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

hi mommy. yung baby ko po may cleft lip and palate siya. hindi po inadvice sa akin na magpa CAS, hindi ko po sinisi yung OB ko, nung delivery day nalang po namin nalaman kahit po OB ko nagulat. Wala rin po sa lahi namin ang cleft lip and palate. thankful parin ako kasi meron pong foundation na nagrerepair ng mga ganyang case for free. yun nalang ang inisip ko at yung full support ng family ko. naparepair namin yung lip nya 7 months na pero pwede pala earlier pa ngayon po 17 months na sya, hinihintay namin magmeet yung 10 kg bago namin sya ipaschedule for palate repair. i hope this helps po.

Magbasa pa
TapFluencer

hi mommy! pagka24 weeks po papaCAS na kayo ni ob. dun po malalaman kung may cleft lip si baby. for now po pray lang na mali lang ung tingin ng ob nyo during ultrasound. may mga cases po na nagkakamali ang sonologist. hindi ko po kayo gustong bigyan ng false hopes mommy. pero as much as possible po wag kayo magpastress. surrender it to God anuman ang maging result. stress po ang unang kalaban natin mga buntis lalo na pagdating sa wellbeing ni baby. and make sure po you are eating well and drinking your vitamins. our family will pray for you and your little one.

Magbasa pa

sa CAS po makikita talaga kung may cleft si baby. real talk lang naman po si doc sa inyo siguro para aware kayo sa possibilities kasi it happened na before. hope and pray na lang po na mag form ng maayos po yung mouth niya. may vlog po si Anne Clutz (anneclutzvlogs) about dyan, meron syang sinabing page sa FB na pwede niyo imessage at hingian ng advise at tulong na din at sabi nya free daw lahat ultimo operation, braces, etc. para sa mga may cleft. icheck niyo po yun kung sakali. halos kakaupload lang nun recently.

Magbasa pa

better sis magpa CAS ka wait until 24-28bWeeks kasi dun makikita if meron ba tlaga or wala. The sono inform you para aware kayo sa kalagayan ni baby but hopefully hindi tlaga. ang cleft lip is nasa genes po yan maybe sa kani-nunuan nyo po ni hubby. Pwede din due to smoking,obesity, and drinking. Pray lang po at chill muna until makapag CAS po kayo.

Magbasa pa

maamsh just keep on praying and nothing is impossible with God. May chance pa po yn mamsh hindi pa yan sure maamsh kaya dasal lang at wag ka magpa stress. Inumin mo lng ung mga prenatal vits mo. kapit lang po

Kung wala sa lahi nyo yan mi. Dapat mag take ka ng folic acid sa 1st trimester mo . Kaya nagkakaganyan ang baby dahil kulang sa vitamins. Wagka din magpaka stress tuloy mo lng vitamins mo.

same situation po saken ngayonπŸ˜” worried ako kaka antay ng araw ng CAS ko... nagpa CAS na po ba kayo? kamusta po? tama po ba si doc sa unang findings nya or nagkamali po?

2y ago

last jan.6 ako pinelvic ultrasound... nabanggit ng dra ko na baka may cleft ung baby ko.. kaya ilang days na rin me worried at pray ng pray na sna nagkamali lang sya... sa jan27 inisked nya ko for congenital anomaly scan CAS.. kinakabahan talaga koπŸ˜”, nabasa ko post mo same situation saken... haayyy sna talaga nagkamali lang yung ob ko sna normal at healthy c babyπŸ˜”

hala kinabahan naman ako 😭 wala din kmeng lahi ng cleft lip e..maalaga din naman ako sa kilos, vitamins at foods huhuhuhuh papa cas din ako pag 24 weeks na 😭

Atlis 24weeks po kita na yan, inum ka din lagi vitamins mo