Out of nowhere naalimpungatan ako, pagmulat ko ng mata ko anak ko agad nakita ko, ang dami kong realizations in life, stress na stress kasi ako sa asawa ko ngayon, he's cheating on me, akala ko napaka malas ko na tao, feeling ko deserve ko maloko, pero nung tinitigan ko anak ko tapos ang likot pa ni baby sa tyan ko, naisip ko na napaka swerte ko napaka blessed ko pala, kasi imagine binigyan ako ni lord ng mga malulusog at napaka sweet na mga anak, though nasa tyan ko pa si baby, pero ramdam ko na binigay sya ni lord para iparamdam sakin na "huy kahit malas ka sa asawa ang swerte mo sa mga anak mo, kayamanan mo sila." Kaya napa isip ako, ang mga anak ko ang mas dapat kong pagtuunan ng atensyon ko, kesa mamroblema ako kakaisip sa tatay ng mga anak kong to the highest level ang kalandian sa katawan, sa mga kapwa ko mommies na madaming pinagdadaanan ngayon, try nyo tititigan anak nyo, dun nyo masasabe na "napaka swerte kong tao dahil may anak ako" imagine yung iba gustong gusto ng magka anak pero hindi nabibiyayaan, hindi pa siguro tamang oras for them. So ayun lang gusto ko lang sabihin sa mga kapwa ko mommies na napaka daming struggles ngayon sa buhay, laban lang! Kaylangan tayo ng mga anak natinβ₯οΈβ₯οΈβ₯οΈ mabuhay ang mga ina!!#theasianparentph