6124 responses
ang panganay ko may kwarto na kc 7yrs old na ' bali kame tatlo ang mag kakatabe ung bunso ko😊 . tas kpag wala ang papa nya katabe nmn sya😂 ..
sa ngayon tabi tabi muna kami, pag kaya na ihiwalay si lo at nag wean na sya sa pagdede ihihiwalay na namin sya ng bed nya
sa ngayon panganay ko ayaw pa na nakahiwalay kaya tabi tabi padin kaming apat pero pag wala papa nila kami lang tatlo 😁
Hindi pa ko na nganganak eh. So kami muna mag asawa and dogs. Hehe. Minsan mas masarap pa tulog nila kesa sa akin. 🤣
Yes, mas maganda pag tabi tabi natutulog, un na din kc nagiging bonding nmin, bgo matulog harutan muna with kid.
naghiwalay kami matulog ng baby ko baka kasi madaganan sya ng papa at mga kapatid nya, malikot matulog mga un..hehehe
Ibang bed dapat si baby pero lumilipat din sa bed namin pag naalimpungatan para dumede. Hehe!
Sa room ng parents ko natutulog si baby since may work kami ni hubby sa gabi.
iisang kwarto lang kmi pero bukod kids ko kase ang lilikot nilang katabi e.
Kami lng ng asawa ko, hindi pa kami sabay matulog dahil night shift sya