Okay naman si hubby siya nag gogrocery, bayad sa bahay, bayad sa tubig, naghuhugas ng bote ni baby, nagluluto ng pagkain at naghuhugas ng pinggan, minsan nagsasalang din ng mga labahan as in wala ako iisipin lahat ng needs ni baby needs ko nabibigay niya.
Eto lang kinaiinisan ko, as in umiyak pa nga ako we had a little fight regarding sa cancellation ng visa ko bago kasi mavisahan si baby need macancel yung employment visa at dapat kasi mavisahan na si baby eh hindi ko naman kasalan na ang bagal ng cancellation ng dati ko company nag uupdate naman ako nagpafollow up kasalanan ko ba yun tapos as in sabihan ako ng WALANG KWENTA, siraulo pala siya eh after hirap pagod at sakit at sakripisyo sasabihan nya ako ng ganyan(pero ayun keep silent ako na umiiyak gusto ko sumbatan pero nanahimik na lang ako) Tapos eto pa simple lng naman parang may pajoke ko nasabi na mali sasabihan ako na BOBO. Hindi siya nagsosorry wala siyang gagawin yung lang gagawin nya mga gawain sa bahay tapos kapag nakaluto na siya tatawagin nya na ako kaya minsan limot limot n na lang yung sinabi niya. Pero yung sabihan ako ng ganun okay ba yun?
Eto pa isa, nafeel ko na mas priority niya ang laro niya ng mobile legend at panonood niya ng mga movie sa netflix tapos napifeel ko na hindi ako priority niya hindi man nga sakin maglabing hindi man lng ako yakapin tapos one time nanonood siya ginulo ko siya at kinulit at niyakap aba nagalit saakin at pinapaalis ako.
Material things anjan oo wala ako problema sa lahat sa nga gastusin as in lahat yun lang sa affection ba as in nawala na yun simula nun nag asawa at nagkaanak kami hindi na ako pinapansin o nilalambing.
Kaya ginagawa ko hinahayaan ko na lang siya maglaro at manood tapos kami na lang ni baby lagi. At hindi ko na lang din siya pinapansin. At nawawalan na din ako ng gana sa kanya. Nilalambing ko na pinapaalis pa ako.
Mga mommies tama ba yun? Dahil nabibigay niya naman ang mga material na bagay okay na yun kahit wala na siya time sakin okay na yun? Hayaan ko na lang siya maglaro at manood at manahimik na lang ako. Minsan talaga akala mo perpekto na pero hindi pala may kulang padin. Masaya na sana kaso minsan may kulang pa din.
Maria Ariane Danila