Walang higaan

Okay lang po ba sa buntis mga momsh na matulog sa sahig na walang foam o walang kama kumbaga karton at kumot ang hinihigaan? Ang sabi naman ng iba, masama daw kase papasukan ng lamig yung katawan ko at bawal daw yun sa baby.

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Baka pasukin ka ng lamig. Ako keri ko kahit san matulog sanayan naman yan di na sumsakit likod ko, dati 3 months sa tent tapos higaan lupa walang sapin dun kami natutulog pero part ng training no choice. Pero dahil buntis ka no muna, bawal sa ganon

masama sis.. bukod sa mahihirapan ka tumayo e baka magkaprob ka pa sa baga. Ako nga po na karton at kutson palang nun hirap na sa pagbangon ee, kea naisipan bumili bedframe kahit wala pa sa budget..

Ako sapin ko karton tas blanket mas gusto ko un kasi hindi mainit kaysa sa foam pawis lagi. Depende naman sa pangangatawan mo kung kaya mo matulog.

Bawal po. Hindi ako pinapahiga ng biyenan at hipag ko kapag walang latag o pag hindi makapal ang comforter. O kahit sa papag. Masama daw sa buntis.

Bawal.po.talaga.. mabuti hindi ka pinupulikat sa lagay na yan. kasi ako LAgi.paglumagpas sa higaan paa ko, tapos sobrang sakit sa likod din

VIP Member

Bawal po momshie. Ang sakit sa katawan nyan hehe dapat po lagi tayong komportableng mga buntis lalo na sa higaan

VIP Member

Bili ka na lang sis kahit yung puzzle na malambot para di malamigan likod mo. Sakit sa katawan nyan. 🙁

VIP Member

Yes po mamsh, bawal po malalamigan nga daw po at bka makasama pa sainyong dalawa ni baby.

oo naman bawal po talaga buti di sumasakit ang likod mo kung sa karton ka lang natutulog

VIP Member

Bili kayo momsh kutson magkano lang naman po sa uratex para di kayo sa sahig nakahiga.