Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Excited to see you bb ko ??
Tae ni Baby
Normal lang po ba yung ganito ang tae ng baby? Pure breastfeed po ako. Mag 2months palang si baby sa May 16.
Ultrasound
Sa tingin niyo po Boy talaga baby ko. ? Salamat sa sasagot.
Natalie Prenatal Multivitamins
May nireseta po saken ang OB nung nagpacheck up ako sa Hospital na panganganakan ko. Sino po dito ang kagaya ko na umiinum ng ganito? Natalie Prenatal Multivitamins. Nakakapagpatalino daw po kay Baby ?
C.A.S.
Magkano po ang pa CAS ngayon? Salamat sa sasagot ?
Nagwoworry ako ?
Sa tingin niyo po ba mababa matres ko? Sa puson ko lang po kase naglilikot si baby. ? Tas palaging masakit pempem ko tas naninigas din puson ko ?? Ang liit pa po ng tummy ko Pa advice naman po kung ano dapat gawin. #5months preggy
Boy or Girl ?
Sino kaya makakahula gender ni baby ko ? Katuwaan lang mommies ? Pampagaan lang ng loob at iwas stress ❤️❤️ #18weeks2days
SSS Maternity Benefits. PAHELP!! ?
GUSTO KO LANG PO MACLEAR! TIA ? ?August 2019 - was my last month of employment. Umuwi akong province namin for my pregnancy. ?October 7, 2019- i filed maternity notification to the near SSS branch in our town. (Qualified naman kase saktong 6months yung nahulugan yung sss nung nagwowork pa ako.) What is the next thing to do? ?I tried to check my mat notif online pero bat ganito po lumalabas sa account ko? - nagtry din ako mag submit mat notif online pero ayaw. ?Bakit employed pa rin ako? ?Paano gagawing unemployed ang status ko? ?Paano malalaman kung approved na ang mat notif? ?Ilang days bago maapproved ang MAT NOTIF? ?And yung sinasabi nila na email from sss for your status? Anong klaseng email yun? (Wala pa kase ako natatanggap na email) THANK YOU po sa mga sasagot! ??
EDD, tamang bilang? Patulong mga momsh!
Paano po ba ang tamang pagbibilang kung ilang weeks ka ng buntis? Magbebase ba kung kelan ang last day ng LMP or 1st day ng LMP. I'm 16 weeks now, nagbase kase ako sa bilang ng OB ko nung 1st check up ko na ang tinanong sa akin is last day ng LMP which is June 27. Pero nung pumunta ako ng heath center, ang tinanong ng midwife is kung kelan 1st day ng LMP ko which is June 20 kaya 17weeks na daw tiyan ko. Sa inyo po ba mga sis? Naguguluhan po kase ako. Salamat sa mga sasagot
Walang higaan
Okay lang po ba sa buntis mga momsh na matulog sa sahig na walang foam o walang kama kumbaga karton at kumot ang hinihigaan? Ang sabi naman ng iba, masama daw kase papasukan ng lamig yung katawan ko at bawal daw yun sa baby.
Need Some Advice Momshies
Bale LDR po kami ni partner ngayon, kase ako dito lang da probinsya namin tas sya nagwowork siya dun sa kanila. 12hrs ang byahe papunta sa kanila, minsan 14hrs pa. Ang plano kase namin is magsama na kami sa december sa kanila hanggang sa manganak ako. Ipapaalam daw muna niya sa tito at lola niya kung pwede. Ipapaalam niya sa tito niya kase yung bahay na tinitirhan nila with his lola and dalawang batang kapatid is kay tito niya (di pa kase alam ng tito niya na buntis ako, minsan kase natatakot sila sa tito nila kase kung anu ano pinagsasabi sa kanila pag lasing siya. Lasinggero kase talaga yun) . Pero ang sabi naman daw kase ng lola niya nung isang araw lang is dito na lang daw ako kase masikip daw sa bahay nila. Pero sabi naman ng partner ko makikiusap daw siya ulit. Ano po bang dapat gawin mga momshies? Mahirap rin kase ang nagbubuntis na wala sa tabi mo ang partner mo. Parang saken, stress na stress ako at laging nag ooverthink. Tsaka gusto ko din naman talaga na kasama namin sya hanggang lumabas si baby.