Gatas sa buntis

okay lang po ba na hindi ako umiinom ng Anmum😢 bumili po ako agad nung nalaman kong buntis ako pero never ko pa ininom kasi marami nag sasabi panget daw po lasa😭 ngayon 17 weeks na ko di parin ako umiinom.

49 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

For me masarap ang anmum 😍 Pero kung ayaw mo basta may iniinom kang vitamins like calcium specially yung ferrous. Ako dati minsan lang ako mag anmum pero patuloy pa din sa pag inom ng vitamins. nailabas ko si baby ng safe at walang problema.

tikman mo muna girl...mainam sa pagbubuntis ang gatas. kung di ka tlaga hiyang... regular milk lang like bear brand kc for sure umiinom ka nman ng vitamins. wag ka makinig sa sinasabi ng iba. iba iba panlasa ng bawat tao girl.

bakit ka makikinig sa iba. katawan mo po yan. baby mo yan, hindi sa kanila. para sa inyo yan ng baby hindi pra sa kanila. tsaka kung reseta sayo dapat inumin kung hindi man dapat at least may calcium supplement ka.

sakin din po di ko din gusto yong lasa ng anmum kahit pa yong chocolate. depende din po yong sainyo. sakin kase bearbrand nkasanayan ko at may mga vit. nman ako iniinom tulad ng calcuim at ferrous.

Subukan mo muna kasi iba2 panlasa ng buntis wag lang mag base sa sabi2 kasi good for you and the baby naman din. Ako umiinom ako anmum pero ayoko ng chocolate flavor kasi feeling ko nasusuka ako.

ok lang kahit hindi nung una uminom ako nyan pero after inayawan ko din naumay ako parang ganun pwede naman kahit anong gatas calcium pa din naman yun kaya nagbirch tree na lang ako everyday nun

di namam necessary mag maternal milk as long as nagtatake kancalcium supplement, folic with iron, multi vitamina for pregnant(much better with DHA ,EPa and omega 3) mas okey

same po sakin. hindi ko nagustuhan ang lasa. pwede naman po ordinary milk as long as iinom ka pa din ng calcium supplement at prenatal vitamins. also ask your OB for recos

ako di ako uminom continuously kasi di ko kasundo talaga. kahit anong brand isinusuka ko noon pero sa vitamins tine-take ko lahat. di rin naman ako pinilit ni obgyne.

Yung OB ko okay lang daw kahit di na ko uminom ng Anmum kasi yung mga vitamins na nireseta nya sakin is enough na. Kahit yung fresh milk nalang inumin ko okay na.