22 Replies
Ako, ayoko. Bossy kasi MIL ko e. Ngayon pa nga lang na nakatira kami sa bahay ng parents ko, nagmamando na, ano pa kaya pag may bahay na kami ni hubby. Buti nalang mabait ang parents ko, hindi nalang nila pinapansin. Pero hindi ako natutuwa na parang dinadaan daanan lang yung parents ko. Eh nakikitira lang kami at duuuuh parents ko yun, kaya sinabihan ko talaga si hubby na sawayin yung nanay nya. After non okay na, tapos ilang days lang ganon na naman. Imagine, bahay ng parents ko, kahit andito parents ko pahiga Higa sa Salas namin yun MIL ko. Kaya natatakot ako pano pa kaya pag bumukod na kami ng asawa ko baka dun na yon tumira, wala kasi akong FIL eh. So yung MIL ko nakatira sya kasama yung mommy nya (lola ni hubby) kasama yung kapatid ni hubby.
para sakin ok lang namn na pumunta kahit anong oras. pero shempre huwag sa kwarto namin.. hindi na ibang tao ang mga in-laws. pamilya mo na rin sila.. although minsan may mga bagay na ginagawa sila na hindi natin gusto, at the end of the day, sila pa rin ang pwede nating hingan ng tulong kapag nagkaproblema kayong mag asawa.. aminin o hindi, khit sarili nating nanay, naiinis din tayo minsan kapag may ginagawa na hindi natin gusto pero pinapatawad pa rin natin. maybe kailangan mo rin na ituring na sariling nanay ang MIL mo. nang sa ganoon, maiiwasan mo ang makaramdam ng hindi maganda sa kanya..
Hala baka ganyan din naiisip ng hubby ko x(. Kasama kasi namin mother ko sa house, kasi kakapanganak ko pa lang. So tinutulungan nya kaming magalaga kay baby. Para sa akin very very convenient na kasama ko mother ko. Pero baka nga naiisip na rin ni hubby ko na wala kaming privacy, kasi minsan si mother ko diretso pasok lang sa kwarto kapag narinig nyang umiiyak si baby. Walang lock ang kwarto namin now dahil kasama namin si baby ko sa kwarto kaya dirediretso lang talaga Nanay ko kapag narinig nya si baby x(
for me medyo maiinis siguro. 😅 pero kung ang mil mo naman e ubod ng bait at maalaga, why not diba? in my case kasi kabaliktaran talaga ng "mabait at maalaga" yung mil ko so yon, not ok for me talaga. haahha.
Samin di pa kami nakabukod. May privacy naman kami sa bahay nila. Tiyaka very sipportive sila. Now andito kami sa bahay kasi mas comfortable ako dito. Di naman basta basta pumapasok nanay ko. Kumakatok muna sila.
sana all sis. May privacy at alam yung word na respeto. hahaha.
Nku kumusta nmn ung FIL ko bigla nlng sumulpot s bahay at doon daw muna titira. My gad wla man lng pasabi. Pano pasimuno ang kapatid ng asawa ko. Kala mo. Bahay nya kng umasta.
No. Ang MIL ko kahit sa isang apartment nila kami nakatira, super katok muna sya at minsan di sya talaga pumapasok. Sinasabi na lang nya kelangan nya sabihin or ibigay.
Swerte niyo naman, po. Mas okay talaga na hindi sila feeling reyna makapasok sa bahay. Atleast may respeto mil mo.
Ok nga un pag malapit lang sila samin. Kaso malayo byenan ko. Depende sa byenan cguro kung mabait gustohin mo pag hindi wag na oy hehe
yung MiL ko, saka pumupunta ng bahay pag Wala ako, den pagbbuksan mga kabinet namin at nagiinspection. same with hipag.pati laman Ng ref tintingnan.
nakakainis yong ganyan no? ung nangngealam ng gamit hahaha
ok lang naman s akin spoiled mga anak q s lola nila e 😊 saka nasa taiwan ang MIL q nagbabaka-bakasyon lang sya sa bahay..
Almira Robles de Guzman