turniny 5months

Ok na po ba na bumili na ng gamit ni baby? May mga pamahiin kasi mama ko ? excited akong bumili pero kinakabahan naman ako sa pamahiin

29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pag alam mo na yung gender ng baby mo sis tsaka ka bumili. Mas maganda kung 6 to 7 months tummy mo bago ka mamili mas better siguro kung 6 monts palang nag uunti unti kana mamili kasi pwede kang manganak ng 7 months or 8 months at least dumating man sa point na ganun ready na lahat.

Yes po. Ganyan din po mama ko naniniwala din po sa pamahiin pero since 8 months pa sunod na ultrasound ko po, 8months nalang po ako mamimili and 8months ko pa din po malalaman gender hehe

much better kapag 6 to 7 months nalang, 5months din ako gusto ko na mag ipon ng mga damit nya kaso natatakot ako sa mga pamahiin 😂

pwede ka na po mag start ng pailan ilan. Mahirap din kasi pag malapit na lalo na pag malaki na tiyan mo madali na mapagod.

Pwede na po yan, ako 3months palang nagsstart na. Pati mother and tita ko sa ibang bnsa bmbli ndn sila gamit ni baby 😊

For me sis wag muna kami naman ng mother ko baliktad gusto nya na bumili ako gusto ko mga 8 months na.

VIP Member

Sundin mo nalang mama mo. Ganyan din in-laws ko. Mapahiin sila. Mas maganda kapag 7momths kana bumili.

VIP Member

Ok lang mamili pakonti konti Ako namimili na ng ibang needs pag may extra money😁

VIP Member

As long as alamo na gender ni baby mamsh or Kung ndi pa bili ka nlng pure white.

Okay lang naman mamili na paonte-onte para hindi mabigat ang gastos.