ask lang po :)
ok lang po ba na sumakay sa motor 9weeks preggy po and 1st time :)
For me its a no because of these reasons: - Delikado ang pagmomotor - Mainit masyado. Mainit pa naman singaw ng katawan kapag pregnant - Pollution - Matagtag. Risk is kapag first trimester, bawal ka maalog masyado. Kapag lumaki naman na si baby sa loob, may tendency na mabuhol yung umbilical cord sa katawan nya leading to pagkasakal ni baby or CS delivery. Yung sister ko nagmomotor sya hanggang 8months. Di sya nagpapacheck up monthly. Buti na lang hindi nagopen masyado yung sipitsipitan nya dahil highblood sya which lead to emergency CS. Then nakita ng doctor nakapulupot yung umbilical cord nya sa baby nya. sa leeg, body and feet. Dahil sa kakamotor nya. So parang naging blessing in disguise pa na highblood sya kundi mabibigti si baby sa normal delivery. Ok na sila pareho ngayon thank you kay Lord. One of our friends naman is nagmomotor din until 9months nya. Then pagkapanganak nya wlang buhay baby nya.. Nakapulupot yung cord nya sa leeg ni baby.. Nasakal yung baby nya. Nung 8 months check up nya ok pa naman baby nya tapos nung delivery pa nawala..
Magbasa paako po 32weeks pregnant na. until now sumasakay pa din po ako ng motor. and every check up ko tinatanong ko po sa OB ko kung okay pa ko sumakay ng motor. chinecheck naman ako ni ob kung pwede pa or hindi. tsaka mas kampante ako na sumakay sa motor kasi hubby ko nagddrive. alam nya kung gano lang dapat kabilis at dapat umiwas sa lubak. kasi nakailang sakay na din ako sa grab pag malayo pupuntahan namin feeling ko mas tagtag pa ako at walang keber ang driver kahit preggy ako bast makarating lang kami sa destination namin..
Magbasa paNot advisable, pero kung yan lang yung way mo para mkarating sa ppntahan mo make sure na yung mag ddrive sayo eh hndi kaskasero,at matalino nagmaneho. Kadalasan po ksi ngyon kung mag motor isisingit at isisingit nila,yung iba iccut kpa sa daan khit nb may signal lights sila. Dpat maingat po ang driver mo at marunong sa batas sa kalsada.
Magbasa paako po 28weeks preggy sumasakay pa sa motor pero wala pa ata 500m ang layo paghinahatid lang ako sa sakayan ng trike. Pero more on trike po kse wala ibang mode of transportation papunta sa sakayan ng bus saamin working pa kse. doble ingat lang and if may option nman na masakyan ka bukod sa motor and trike better na un nlng.
Magbasa paako ginagawa ko eversince pero im not advising u na gawin din un depende po kc sa sitwasyon nyo kung maselan kayo sa awa naman po ng Diyos ok naman po kmi ni baby pero binabawas bawasan ko na din ung pagsakay ng motor di kc maiwasan minsan mas madalas nga po mas natatagtag pa ko sa tricycle eh
Ako going 9mons na ung tummy ko. Nakakasakay p din ako sa motor with my hubby as my driver. Mabagal lang and very cautious driving lang. Pero hindi naman ito everyday. Mas madalas naka car kmi para mas relax kasi masakit din sa balakang pag sa motor palagi
depende po if maselan ang pagbubuntis nyo..ako nga po e from 7weeks til now panay parin ang sakay sa motor ni bf..halos inaabot ng 2 hrs byahe nmin pero okay nmn si baby..hwag lng pong dumaan sa may mga bumps, pra sure na safe po..
regardless ilang weeks or months i would prefer not to ride motorcycles. bukod sa delikado sya kahit sa hindi buntis, matatagtag ka po, ako nga na sumasakay ng car nararamdaman ko kapag my lubak at nasstress talaga ako, what more po sa motor 😊
Ako kasi madalas din ako sumakay sa motor lalo na nung first trimester ako pero thank God 15 weeks 1 day nako ngayon ok siya kahit mababa daw yung baby ko pero ingat padin padvice sa ob kung di talaga maiwasan mag tormots🙂
Basta po ndi mababa si baby tingin ko safe naman po. Kasi lagi din ako naka angkas sa motor, wag lang po kayo sasaklang, dapat po naka side kayo pag aangkas. Doble ingat din po kasi nasa first trimester ka plang :)