32 weeks pregnant
Ok lang po ba mag byahe byahe araw araw kahit almost 8months na po si baby? Coz Im still working. Pero wala naman nananakit sakin or what. May epekto ba yun kay baby?
Ok lng nmn as long as lam ng ob mo at ok yung last ultrasound mo. Iba po kc may hematoma or low lying placenta na need ng bed rest. I think for active moms mas need ng double ingat and keeping yourself healthy always kc anjn yung pollution, traffic s byahe at stress sa work. Sila kc yun mas mabilis madehydrate at magburn ng calories. At tska your body will send signal nmn kung if there's something wrong. Mafeel mo po iyon. 😉
Magbasa paSame here..33 weeks and 1 day still working Pero weekends lang ako umuuwi sa bahay Dto ako sa lola ko malapit sa work ko. Ang hirap kasi. Buti..xmas break na namin Dec.16 Private school Pwede nman d na kmi pumasok after. Ang leave ko Jan.6 pa. Kasi Jan.6 pa balik klase..hehehhe EDD ko Jan.15
Magbasa paI was working until my 38weeks during my first pregnancy. Araw araw din byahe ko nun from QC to Makati and vice versa. Ok naman si baby kahit nakakastress makipagsiksikan sa MRT.. Just be extra careful.. Alam mo naman yan pag di na keri..
Ayos lang naman, as long as di ka masyadong napapagod sa byahe. Pero ako, dahil first baby ko, nagtake na ako ng leave nung 34 weeks na akong preggy. Napapagod kasi ako sa byahe at hirap na maglalalakad.
33 weeks here, byahe prin las pinas to makati pra pumasok... sobrang hirap na bumyahe pero tiis lang at doble ingat lang ...mag early maternity leave naq ng dec 16... edd: january 11
Swerte mo po. Simula nung nag start ang journey ko sa pag bubuntis ay naka bed rest ako. :( ingit ako sa mga mommies na hindi maselan mag buntis.
relate here . until now bedrest pa din ako . going to 8 months na . 😔
Ok lang yan mommy para tagtag ako din araw2 nag bbyahe nag wowork parin until nextweek kahit anlaki na ng tummy extra careful nalang 😊
Buti kapa, samantalang iba mommy dto hrap at kwawa nka bed rest, swerte mo mg buntis.. Wag lng ppapgod ingat godbless
wala naman siguro basta doble ingat lang. ako 38 weeks and 3days..laban parin..tagtag kakalakad pati sa biyahe.
Sa akin nag work pa ako up to 38 weeks byahe ko from paranaque to ortigas