86 Replies
Nakaw oy! "Nagmahal ka lang naman?" Hindi valid reason, dahil hindi love 'yan kundi lust. Alam mo kyah na pamilyado ka at ang misyon mo kaya ka nag OFW ay para masustentuhan at mabigyan ng magandang buhay sila. Yun 'yon diba po? Dapat andun ang focus mo. Pero mas pinili mong kumaliwa, ngayon, tama ka, kinakarma ka.. Anong dapat mong gawin? Face your consequences. Kase kung tatakas ka lalo lang bibigat problema mo. At please, you don't deserve your partner and two kids, praise the Lord kung may self worth yung partner mo at hiwalayan ka, you will never meet your two kids. Kaapg ganon ang desisyon n'ya. Ngayon ask yourself, gano ka kasiguradong mahal ka ng bago mo? Baka mahal ka lang kase may kailangan? Do you think pipiliin ka n'ya kesa sa bf n'ya? Anong dapat mong gawin? Alam mo na po yung tama at mali. Kahit anong advice namin, ikaw ang magdedecide ung dedemonyo ka or magbabago. Choice mo 'yan. Gudlak. 😏
mahirap magtrabaho malayo sa pamilya, pero isipin mo sana yung live in partner mo na nagpapakaugaga mag alaga Ng dalawa ninyong anak tapos gawaing bahay tapos malamang sa malamang dumidiskarte na rin dahil di naman consistent yung pagpapadala mo ng financial support. Hindi biro maging isang ina. Isipin mo at alalahanin mo yung sakripisyo ng sarili mong ina. ganyan din ang ginagawa ng nanay ng mga anak mo, masaklap pa nun Wala siyang katuwang sa buhay tapos tatraydurin mo lang siya? Nung nalaman nya yung ginawa mong panloloko, pinatawad ka pa nya at binigyan ng chance pero ano ginawa mo? binigyan mo siya Ng sama ng loob, niloko mo siya ulit. masakit doon namatay yung pinagbubuntis nya. Ni konting konsensya at dalamhati Naman dyan kuya wala ba dahil confuse ka pa kung anong gagawin? isipin mo rin yung kapakanan at mararamdaman ng mga anak mo.
Una sa lahat kuya pamilyado ka. Pasalamat ka hindi sakim magisip yung live in partner mo. Hindi sumagi sa isip Nyang sirain buhay mo at ng kinakasama mo dyan sa ibang bansa. Sa totoo lang napakasama mo. Hindi mo alam yung sakit na dulot na mawalan ng anak na dinadala tapos idadagdag mo pa yung katarantaduhan mo. 😒 Nalayo karin sa kanya tandaan mo yan, pero sumagi ba sa isip nya na paghahanap ng iba ang solusyon sa lungkot na sinasabe mo? HINDI YUN DAHILAN KUYA! STWY COMMITTED NOT JUST TO YOUR WORDS BUT ALSO TO YOUR ACTIONS. OO KASALANAN MO. KASISISI SISI LAHAT SAYO! NAGTATANONG KA NGAYON ANO PIPILIIN MO? SHUTA KA PANINDIGAN MO NA YANG KAGAGUHAN MO. KASI PANIGURADO KAHIT SABIHIN MO SA BABAENG SINAKTAN MO NA MAGBABAGO KA NANAMAN FOR THE NTH TIME E HINDI MO RIN NAMAN MATUTUPAD ULIT YON! NAKAKASTRESS KAAAA!!!
Nakaka stress post mo sa totoo lang! Nakakagigil. Hindi yan sa nagmahal ka lang. Libog nyo lang yan dahil malayo kayo sa mga partner nyo. Eto namang si babae nadaan lang siguro sa sweet words bumigay na, di ako nanjajudge pero sinasabi ko yung reality. Pati buhay na walang kamalay malay nadamay, napakasakit sa isang ina na mawalan ng anak at sa amang responsable sobrang sakit din para sakanya, di tulad mo walang konsesnya. Nawalan din kami ng 1st baby ng mister ko hindi dahil sa bnwisit nya ako o nambabae sya, nawala na lang samin si baby ng ganun ganun lang. Pero ikaw binigyan na ni Lord ng panibagong baby way na yun para magbalik loob ka sa unang pamilya mo pero pinagpatuloy mo pa kalibugan nyo. Mahal mahal pwe! Ngayon masakit ulo mo? Haha e kumuha ka ba naman ng ipupukpok sa ulo mo e. Sus!
sira ulo ka... ang tanda mo na parang hindi mo pa din ang tama sa mali.... aba karma nga yang pinararanas sayo... di ka naawa sa mga anak mo... tapos ngayun tatanong mo sa min kung isasakripisyo mo yung pamilya mo over your KABET.... what the F.... magising ka sa katotohanan... walang ibang tatanggap sa kamalian mo kundi ang mga tunay mong pamilya, yun ay kung taos sa puso mo ang paghingi mo ng tawad... magalit man sila sayo, tanggapin mo at ipakita mong lahat ng mali mo kaya mong itama... may bf yung babae, dun sya dapat... at kalokohan yung sinasabi mong nagmahal ka lang kasi malayo ka sa pamilya mo at ang naramdaman mo sa babae ay ang pangungulila mo sa asawa at anak mo... please kailangan ka ng pamikya mo, bago mahuli ang lahat bumalik ka sa kanila...
Hindi po yan pagmamahal..akala mo lang mahal mo cia pro infatuation lang yun!.temptation is not a sin unless you give in.un ang kasalanan!.alm mong mali pro pinagpatuloy mo pa rin!.hnd yan pagmamahal..selfishness yan!.gusto ko man po intindihin yang post mo pro hnd ko tlg maintindhan..now face the consequence..hnd yan karma..CONSEQUENCE yan ng kasalanang ginawa mo..SIN yan, enjoy now pay later..naging selfish ka at hnd mo inisip ang pamilya mo na pinangakuan at iniwan mo..nagpatianod ka sa tukso..sorry po pro cheaters are weak!.imbes na gawin mo ang tama mas pinili mo ung mali..But our God is a God of many many chances...sana itama mo ang mali mo sa totoong pamilya mo.repent to God and gawin mo kung ano ang tama.. Ps: gigil mo po ako!..
Alam mo di mo kailangang itanong. Di mo mahal yan, napaparausan mo lang kaya mo nasasabing mahal mo. Why don't you try mg work sa Pinas at iwan ang dapat iwan sa ibang bansa? Baka pagtigil mo sa Pinas at makita mong lumalaki mga anak ko e baka pagsisihan mo lahat ng nagawa mo. Una sa lahat, mali ka. Alam mong may partner ka na iniwan na dapat suportahan at mahalin pero nagpadala ka sa tukso. Napaka iresponsable mo sa lagay na yan. Sana naging babae ka na lang at gawin din sayo ang ginagawa mo ngayon sa partner mo. Makonsensya ka, di sa lahat ng nakukuha mong sarap dyan sa ibang bansa e pang habang buhay. Matuto kang makunyento at magtiyaga. Binuo mo pamilya mo at panindigan mo. :)
Kulang pa yang karma na nararamdaman mo sir. Umibig ba naman kahit may pamilya na, at yung babae naman may bf pala tapos lumandi din sa may pamilya na. Naging ofw din naman mama ko, sinabi niya sa amin na naging malungkot siya, naghahanap ng masasandalan pero NEVER niyang ginawa yang mga kalokohan na yan. Kasalanan mo talaga lahat, dahil sinira mo yung pamilya niyo. Kapal ng mukha mong humingi ng advice if pwedeng isakripisyo ang pamilya mo. Kapal ng mukha mo para matiis ang mga anak mo. Umagang umaga ito mababasa ko. OMG the nerve ng mga makakati at malalandi na humingi ng advice when in fact alam mo naman na kung dapat ang gawin. Karmahin sana kayo ng kalandian mo forever.
Maling mali yan brader. Dapat mag focus ka sa pamilya mo. Buti sana kung nagloko ang asawa mo e hindi naman. Kawawa yung asawa mo pag ginawa mo yan. Inanakan mo sya at pinakasalan. Lifetime commitment yan. Isipin mo din mga anak mo. Try mo mag alaga ng mga bata tignan mo malalaman mo ang sakripisyo nya. Mag pa counseling kayo. Umuwi ka kung nalulungkot ka. Magpakalalaki ka brad. Nung dalaga sya madami syang pwedeng pagpilian na makatuluyan pero ikaw pinili nya tandaan mo yun. Kung ganyan lang gagawin mo brader e di sana di mo na sya inanakan o pinakasalan. Sinayang mo lang yung oras nya na di na maibabalik pag ginawa mo yan.
Better settle things first sir.. hiwalayan mo n live in partner mo Kung d mo kayang gampanan ung tungkulin mo para mkpag move in din sila Lalo n ka live in mo para my mahanap n din siya na ibang totoong mag papakalalaki at tatayo sa responsibilidad... kaso pag isipan mo.. for sure masaya k din nmn sa ka live in mo sa pilipinas nung una kayong nag sama like NG naramdaman mo ngaun sa bgo mo nkilala.. Kung feelings lng Yan sir deceiving Yan pag Yan lng base ng decision mo, Kaya nga nasa taas Ang utak para mkpag isip tau..pero Kung d n tlga Kaya ituloy, suporthan mo n lng responsibilidad mo sa anak mo.. be a good father n lng Kung d mo kayang maging tapat na partner..