pusong salawahan
OFW ako, at may long time live in partner with 2 kids. May nakilala ako babae 10 years younger sa akin. 1 week pa lang kami nagkakilala naging kami na. Masaya ako, sya naging sandigan ko sa panahon na nalulungkot ako. Mahal ko sya at pakiramdam ko dko na mahal un partner ko. Inaya ko pa sya ng kasal. Ng umuwi ako sa pilipinas d man plinano nabuntis ko partner ko. Pagbalik ko ibang bansa pinabayaan ko pamilya ko. Oras ko man dko binigay sa knila. Pati suporta financial d ako nakapagbigay ng tama. Halos tapunan ko lang sila ng konting halaga at d pa regular na kada buwan. Paguwi ko ng pilipinas natuklasan ng partner ko at pinatawad nia ako. Pero sa pagalis ko binaliwala ko lahat ng pangako na iniwan ko sa kanya. Gang sa nawala un pinagbubuntis nia dahil sa sobrang galit at lungkot. Ngayon alam ko sobrang galit nia sakin. Pero sa totoo lang dko alam ang gagawin ko at kung anu ang dapat kong gawin. Nasira ng tuluyan ang pamilya ko. Pero mahal ko din un kasama ko dito sa ibang bansa. Alam ng bagong kinakasama ko una pa lang na may pamilya ako at alam ko din na may bf sya sa pilipinas. Pakiramdam ko kinakarma nko.. pakiramdam ko kasalanan ko lahat. Pero nagmahal lang ako at minahal din ako ng babaeng kinakasama ko ngayon. Anu ba ang dapat kong isakripisyo ng tuluyan ang pamilya ko o ang bagong pagibig ko?
18 and Proud to be a Teenage Mom โฃ