Sis, better trust your OB. Ako nga pangalawang set ko na ng antibacterial ngaun kasi nagka UTI naman ako before namaga tonsils ko. Kasi mas delikado pag di mo naagapan ang infection. Nakakapraning magbasa Sis ng kung ano ano. Maniwala ka nalang sa OB mo. At di namn magrereseta ang OB na makakasama sa atin.
Ito na naman mga ganitong tanong. Kung mag se-search ka nga sa google minsan sabihin sayo may cancer ka na e. Syempre OB mo paniwalaan mo. Kung wala ka tiwala sa OB mo magpalit ka ng OB.
Yes po. Safe po yan need po yan para macure yung infection nyo baka kasi mahawa si baby pag di naalis
Syempre sa ob ka maniwala, di ka naman reresetahan ng ob mo kung makakasama sayo at sa baby mo.
If you're in doubt, ask second opinion po from other OB.. pero for me, wala naman po ipprescribe ang OB na makakasama sa atin at kay baby.. ang masama po, ung may infection na tayo tas pababayaan lng natin, infection could lead to preterm labor or worst is pde po mawala si baby..
Accidentally nakapag antibiotics ako hindi ko pa alam na buntis ako non, co-amoxiclav yung name nung antibiotics and sabe naman ng OB ko safe sya sa pregnant.