OA or Postpartum Dep.

Oa lang ba ako? Or Part ng PPD? Wala naman problema sa mga Inlaws ko aside sa pagiging mapamahiin nila like, sininok lang ng konti naalala na ni ganto ni ganyan, umiyak lang ng biglaan kabag na agad at pinapahiran na ng mansanilia (ubod ng dami) sa pag massage naman gamit na langis yung sa gata worried lang ako na baka mag allergy or rashes si LO since newborn palang. Always pa kinukompara sa unang nila, btw 2nd apo nila si LO, as a mom, siguro kahit sino di gugustuhin na makumpara dba? Kapag tulog nmn ggisingin kesyo tulog ng tulog, lalo na sa hapon. Kapag ayaw na matulog sa Gabi sige sila sabi ng sabi na matulog na. Hello nag aadjust pa si LO dba? Pansamantala na nag stay kami sa inlaws ko kasi gusto ni hubby. Kaya atat na ako umuwi sa amin, hays advice naman po mga mamsh. TIA God bless

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

"In-laws" - one of the reasons kaya mas pinili kong dito sa bahay magstay kaysa sa side ng hubby ko, unfortunately di pa kami makabukod as of now though we're planning for it already. But yun nga, at least dito samin I can disagree whenever hindi ko na gusto yung mga pinagagawa ng parents ko. Di nila ko mapipilit. My child, my rule, ika nga. Also, dito rin samin, hindi ako nahihiyang mag-ask ng help everytime na kailangan ko unlike if I will stay sa side ni hubby. Mababait naman sila pero alam kong hindi maiiwasan yung disagreement kapag may gustong gawin pagdating sa baby ko which I think mahihiya ako sa kanila na magdisagree. Hindi ko pa yata kayang makisama lalo na kung alam kong may mga bagay na maapektuhan pagdating sa baby ko.

Magbasa pa
4y ago

Yes sissy same situation