tulog

Hi mga momsh, ask ko lang po, ganto din ba matulog lo nyo?? Si baby kasi ganyan gusto nyang position nakakatulog sya ng mahimbing. Pag hinaharap ko naman ang bilis magising. Natatakot lang ako baka mahirapan syang huminga.

tulog
35 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Bantayan mo po lagi ng mabuti pag ganyan po kasi pwede po siya ma suffocate most specially hindi pa po nya kaya e lift ang head nya.. Marami na pong cases ganyan.. To be on the safe side our babies needs to sleep on their back not on their chest.. Pwede mo din po e swaddle ang baby mo para hindi siya magising dahil sa moro reflex nya

Magbasa pa

Yes simula days old palang sya mas comfortable sya matulog, until now 7mos old na sya after milk kusa sya dumadapa. Make sure lang mommy na wala makakadagan sa kanya. Tingin ko as long as nakakatulog sya ng mahimbing ok sya sa ganyang position. Bantay lang po maigi.

Yung baby ko nagstart mag ganyan nung 7mos na sya. At that time kaya na ng lungs nya.. if less than 5 months palang yan momsh it is not recommended na nakadapa sya. Baka po ma sudden infant death syndrome. So best if dumapa sya babantayan nyo po sa pagtulog yan mamsh

5y ago

As long as naalalayan nyo po ok lang. Pero mas better tlga kung hindi .. lalo yan may mga kumot or pilows di rin po sya recommended

Not recommended po ung padapa na sleeping position.. nakaka increase daw yan ng chance ng SIDS (Sudden Infant Death Syndrome). Check niyo po dito: http://https//www.lullabytrust.org.uk/safer-sleep-advice/sleeping-position/

Magbasa pa

Delikado po yan. Ung baby po ng kaworkmate ng bf ko, 5 mos old nakatulog ng ganyan akala ng mother nahihimbing kaya gumawa ng mga gawaing bahay.. napansin nya parang ang tagal ng tulog, pagbalik nya di na nahinga ang baby.

5y ago

Hindi po siya natabunan ng unan, di rin po natakpan ung ilong nya. Nahirapan daw po huminga gawa ng ung dibdib po nakadapa. Dba po kahit tayo kapag matagal nakadapa.. masakit din sa dibdib. Yun po ung sabi.

ask ko mama ko about dyan sabi nya kapag sa doctor daw ang sasabihin pede daw mgkaroon ng sakit sa puso pag ganyan daw ung bata matulog..sa kasabihan nmn sa matatanda pangit daw ung ganyan talunin daw kayo ng bata...

Opo ganyan din baby ko matolog nag ka sipon kasi sya nong 1month palang, triny ko sya padapain matolog aun mas komportable sya, til now nakadapa padin sya matolog mag 6mos na. Ingat lang din para iwas ma suffocate si baby

5y ago

Salinase lang po ung recommend ng pedia ng baby ko, pinapatak lang po sya sa nose ni baby nd linisin mo ng cotton buds. Since 1month plang sya non dpa sya binigyan ng medicine for flu. Pero much better na mag pa check kapadin sa pedia para ma check kng clear ba ung lungs ni baby mo

Ganyan din po baby ko nasanay sa ganyan. Check mo lang sya lagi kung nakakahinga ba sya ng maayos at lalo na yung ulo nya. Wag din hahayaan na may mga unan at kumot sa paligid nya delikado kasi baka mapunta sa face nya

Ganyan din baby ko.. Pero nagstart xa dapa matulog at 4months nya. Ung 1st to 3, lging 1 side lng. Baling q sa kabila, ayaw. Babalik din nya.. Ayun ending, di syadong bilog ulo nya. Hehe..

Dapat po may laging bantay pag ganyang nakadapa na matulog kase pag ginalaw galaw niya yung ulo niya baka hindi siya makahinga at maging sanhi ito ng SIDS Sudden Infant Death Syndro.e