OA or Postpartum Dep.

Oa lang ba ako? Or Part ng PPD? Wala naman problema sa mga Inlaws ko aside sa pagiging mapamahiin nila like, sininok lang ng konti naalala na ni ganto ni ganyan, umiyak lang ng biglaan kabag na agad at pinapahiran na ng mansanilia (ubod ng dami) sa pag massage naman gamit na langis yung sa gata worried lang ako na baka mag allergy or rashes si LO since newborn palang. Always pa kinukompara sa unang nila, btw 2nd apo nila si LO, as a mom, siguro kahit sino di gugustuhin na makumpara dba? Kapag tulog nmn ggisingin kesyo tulog ng tulog, lalo na sa hapon. Kapag ayaw na matulog sa Gabi sige sila sabi ng sabi na matulog na. Hello nag aadjust pa si LO dba? Pansamantala na nag stay kami sa inlaws ko kasi gusto ni hubby. Kaya atat na ako umuwi sa amin, hays advice naman po mga mamsh. TIA God bless

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Parang baby blues lang mommy. Normal po sa bagong panganak. Ganyan kase talaga mga matatanda mahilig magcompare and mapamahiin. Inaapply nila lagi yung mga ginagawa nila dati. Pero if mas magiging okay ka if uuwi kayo sa inyo.. push mo lang mommy. Mas importante pa din yung peace of mind mo at hindi ka mastress masyado.

Magbasa pa
4y ago

thank you mommy, nagttiis nalang ako kinausap ko na si hubby, pauwi nadin kami after mag 1 month si baby. wala kasi ako masabhan pag si hubby sinabhan baka masamain nya since na magulang nya. kapag kinarga ko naman dahil naiyak sasabhin wag karga ng karga wag daw sanayin, pag hinayaan ko naman na nakahiga at umiiyak kakabagan naman daw at wag hayaan hayy kaka stress