Napaka Sensitive ng balat ng baby ko

Nung pinanganak ko sya napakaputi nya red lips (baby boy po sya) syempre bilang mommy natutuwa ako kasi ang gwapo ng baby ko hehehe.. pero worried ako sa balat nya napakasensitive ?.. nung lumabas sya galing hospital at naiuwi namin sya sa bahay nagkaroon agad sya ng pantal pantal na kulay red syempre pinacheck up namin sya sa pedia nya sabi palitan dw ung sabon pangligo nya edi ginawa namin at nawala nmn agad after a few month nagkaroon ulit sya mga rushes sa buong katawan pati face nag tanong tanong ako bakit nagkaganon ang baby ko sabi ng mga pinagtanongan ko palitan dw ung sabon pang laba baka hindi hiyang si baby ginawa naman namin .. sa totoo lang hindi naman ako pabayang ina araw araw naliligo ang baby ko palit din ako ng palit ng damit at diaper nya kapag nakikita ko madumi na o basa na.. pero napaka sensitive tlga ng balat ni baby ko, one time nalingat lang kami may kumagat na langgam sa baby ko nagkaroon ng bukol na matigas pinacheck up namin sya sa doktor ang sabi pigsa n daw ung bukol na un at niresetahan si baby ng antibiotic haist sobrang awang awa ako sa baby ko nung time na un pero after 2 days gumaling na ung pigsa,, tinanong ko din sa doktor bakit nagkakarushes ang baby ko at konting kagat lang ng insecto nagkaka infection na agad sabi ng doktor may mga baby tlga napakasensitive ang balat namamana dw un sa magulang tapos tinanong ako kung may allergy ako o asthma sabi ko meron po ako allergic rhinitis at ung kapatid ko may asthma ayun daw nakuha daw samin un ng baby ko ?.. tpos pinapalitan na sakin ng doktor ung mga ginagamit nyang sabon at lotion ung mga mamahalin na ung pinabili hehehe kuminis naman ulit ung baby ko lalo nga pumuti ? tpos kelan lang nilagay ko sya sa walker nya hindi ko alam nakagat na pala sya ng lamok kinabukasan nag sugat na agad ung kagat nya at nagtutubig haist kawawa namn baby ko simula nung nakagat sya panjama nlang pinapasuot ko sa knya hindi na short tpos sinusuotan ko din sya sa paa nya ng bracelet na may laman n citronela pangtaboy sa lamok doble na rin bantay namin kay baby..

2 Replies

VIP Member

Medyo ganyan din yung baby ko before. At dahil maputi sya sobrang kitang kita kapag may bite marks sya. What I did is I always place him in cold temp environments. In short lagi sya naka aircon. Hehe. Pero habang lumalaki sya hindi ko na masyadong binababad sa aircon. Kawawa kasi si baby. Minsan kasi sa init nakukuha yung mga pantal.

Goodluck Mommy. Sana maging okay na ang babies mo.

Ano po ang lotion sa baby u po?

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles